WG Jamaica - Part 12

410 12 0
                                    

"BAKIT DITO?" tanong ni Mica kay Christian nang sa halip na dumiretso sila sa Alabang ay dinala siya nito sa condo nito.

"Dito na lang muna tayo," sagot nito. "Please?"

Nagtaka siya pero hindi na tumutol. Nang makapanhik sila ay dumiretso ito sa mini-bar doon. Hindi siya nakapagpigil at nagsasalin pa lang ito ng alak ay nagsalita na siya.

"May problema ka ba?"

Umiling ito.

"Hindi ka dating ganyan. Nagugulat ako sa ginagawa mo."

"Relax, Mica. Hindi ako lasenggo. May mga pagkakataon lang na ganito ako, parang sabik sa alak. Pero hindi ako lasing. Hindi ko rin ugaling magpakalasing."

Tumikwas ang sulok ng labi niya at naupo sa sofa. Dinampot niya ang remote control ng TV at binuksan iyon. Ipinako niya ang tingin sa palabas pero wala naman doon ang isip niya.

Tumabi sa kanya si Christian. Kagyat na nalukot ang ilong niya nang maamoy itong amoy-alak.

"Gusto mo ng masahe, sweetheart?" tanong nito at pumuwesto na rin sa likuran niya. Naramdaman niya ang bahagyang pagdiin ng palad nito sa kanyang balikat. Saglit na gumapang ang kilit at mabilis din namang nakadama ng ginhawa ang katawan niya.

"May problema ka, bakit ayaw mong sabihin?" malumanay na tanong niya. Tuluyan nang hindi niya naintindihan ang palabas sa TV. Masarap magmasahe si Christian. Katamtaman lang ang ginagawa nitong pagdiin sa kanyang kalamnan.

"Huwag mo akong intindihin. Akala mo lang na may problema ako," sagot nito at tumawa pa nang mahina.

"Eh, bakit ganyan ka? Parang hindi ka mapakali. Idinadaan mo lang ang alak ang—"

"Ssshh," saway nito sa kanya at hinawi sa isang tabi ang kanyang buhok.

Napakislot siya nang maramdaman ang mga labi nito sa kanyang batok. Mayamaya ay naglakbay iyon sa kanyang balikat, dumako sa kanyang leeg at nagbabad sa kanyang tenga.

"Christian," she whimpered.

Dumako sa kanyang mga labi ang halik nito. Awtomatiko ay nalasahan niya ang alak sa bibig nito. Tila nakadagdag liyo iyon sa marubdob na halik nito. Mayamaya pa ay lalong naging mainit ang halik.

"I want you, Mica," paanas na sabi nito habang bumaba sa kanyang leeg ang mamasa-masang halik ito.

"Yes. Yes," sagot naman niya na nagsisimula na ring dumama sa katawan nito.

Hindi nila nakuhang makarating sa silid nito. Tila hindi na nila nais pang maantala ang ilang segundo upang lumipat lang doon. Sa malapad na sofa ay isinakatuparan na nila ang kanilang pag-iisa.

"I love you," bulong nito sa kanya habang nakayupyop sa kanyang dibdib. Tila hinahabol pa rin nito ang paghinga.

"I love you too," ganti naman niya.

Sumiksik ito sa kanyang tabi at siya naman ang inihilig nito sa sariling dibdib. Mayamaya pa ay patag na ang paghinga nito.

"What's your problem, Christian?" tanong niya.

Isang mahinang tawa ang ginawa nito. "Ang kulit naman ng sweetheart ko. Wala akong problema. Na-stress lang nang kaunti sa daan kanina. Nakakapikon kasi ang traffic." Niyuko siya nito at mabilis na hinalikan sa mga labi. "Mamahinga lang tayo ng kaunti and then ihahatid na kita sa inyo."

"Ihahatid?" Nagulat siya. "How about you?"

"Babalik ako dito. It's about time na dito na ako tumuloy. Alam na rin nina Ninang Ruth na tapos na itong condo. Nakakahiya nang sa inyo pa ako tumira. Si Mama, okay lang dahil ayaw pa siya talagang paalisin ni Ninang. Pero iyong pati ako? Labis na iyon. Isa pa, sa sitwasyon natin, ayokong mapintasan ako ng papa mo."

"Alam na nga pala ng mama ang tungkol sa atin. Tinanong niya ako kanina, eh. Hindi naman ako marunong magsinungaling."

"At hindi ka naman dapat na magsinungaling."

"Eh, bakit ikaw? tinatanong ka daw niya pero ngiti lang ang isinasagot mo."

Magaan itong tumawa. "Kilala naman niya ako. Kahit nga tingin ko pa lang, alam na niya kung ano ang sagot ko." Niyakap siya nito. "Ang sarap nang ganito lang. yakap-yakap kita."

Sandalingkumunot ang noo niya. Hindi niya alam kung mayroong ibang pakahulugan doon angbinata. Pero dahil totoo naman ang tinuran nito, sumiksik na lang siya lalodito at dinama ang yakap nito.



"IHALO mo itong dinurog na atay, Mica," sabi sa kanya ni Manang Seling habang tinuturuan siya nitong magluto ng adobo. "Pampasarap ito ng sabaw."

"May sabaw pa ho ba ito, eh, kanina pa natin pinapakuluan?" tanong niya.

"Basta sumunod ka lang. Tinatanong mo ang sikreto ko, hindi ba?"

Ngumiti na lang siya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nakikita niya ang pagkagulat sa mukha ng kanilang kusinera. Kungsabagay ay nabawasan na nga iyon. Nang sabihin niya kagabi na turuan siya nitong magluto ng adobong baboy at manok, akala niya ay hihimatayin ito sa gulat. At hindi nakakapagtaka iyon dahil ni ang pagprito ng itlog at hindi niya ininteres matutuhan at pagkatapos ngayon ay adobo pa ang putaheng nais niyang pag-aralan.

Pero hindi naman siya nabigo. Natuwa pa nga marahil si Manang Seling dahil nang magising siya kanina ay nakapamalengke na ito ng mga sangkap. At ngayon nga ay halos kalahating araw na sila sa kusina para lang maluto ang dalawang kilong adobo.

Ngayon lang din siya nagdeklara ng sariling day off sa studio pagkatapos ng marami ring linggo na nakababad siya doon. Priority niyang matutuhan ang lutong iyon. Gusto niya kasing sorpresahin si Christian. Hindi man niya mapantayan ang sarap ng three-day adobo nito, gusto niyang maipagmalaki na labor of love din niya ang dadalhin niya ditong adobo.

She missed him. Sa kauna-unahang pagkakataon ay umabot ng tatlong araw na hindi sila nagkikita. Nagkakasya lang sila sa komunikasyon sa pamamagitan ng telepono. Ilang kliyente ang kausap niya ng nagdaang mga araw at may kinunan pa siya ng pre-nuptial pictorial. Ito man ay busy din, ayon na rin sa sabi nito.

Gusto niyang sorpresahin si Christian kaya kunwari ay may meeting din siyang kiyente sa araw na iyon. Ang balak niya ay puntahan ito sa condo.

"Tikman mo na, Mica," untag sa kanya ng kusinera.

Tumayo siya at tinanggal ang takip, pati na rin ang dahon ng saging na nasa ibabaw dahil kinulob nila ang kulo niyon. It was definitely a traditional adobo. Sa palayok pa nila iyon niluto. At iyon man ay hindi niya mapaniwalaan kundi lang sa nakita na niya kanina. Malay ba niyang may palayok sa mansyon nila? Ang alam lang niya na meron sila ay ang libo-libong halaga ng mga kaldero at kaserolang binibili ng Auntie Ruth niya.

"Ang sarap, Manang!" bulalas niya. "Luto ko ba ito?" di-makapaniwalang sabi niya.

"Luto mo iyan. Taga-dikta lang naman ako ng gagawin mo, di ba?" nasisiyahang sabi nito. "Aber, patikim nga." At lumapit ito sa palayok. "Masarap nga, Mica. puwede ka nang mag-asawa."

"Talaga?" parang kinikiliting sabi niya. "Saan bang lalagyan iyan magandang ilagay? Dadalhin ko kasi iyan kay Christian."

"Dalhin mo na nang nakaganito. Baka gusto niya nang mainit, di, isasalang mo na lang ito sa kalan."

"Okay. Maliligo namuna ako. Amoy-kusina na ako, eh. baka pagdating ko doon, ako pa ang mapagkamalan niyang adobo."

*****

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Wedding Girls Series 24 - JamaicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon