Alexandra:
May nagtext sa akin. Ang weird niya.
Gigi:
Sino naman?
Alexandra:
Aba malay ko. Hindi ko naman nireplayan, pero alam mo, parang kilala niya ako. Alam niya 'yung tungkol kay tita, tapos 'yung paglipat namin ng bahay.
Gigi:
Char niya lang iyon. Hindi mo rin sure, baka scammer lang iyan. Naaalala mo ba 'yung scammer na nagtext sa akin dati. Tatay ko raw, na nasa ibang bansa naaksidente. Nagpanggap na kasamahan niya 'yung nagtext sa akin, kakauwi lang daw nila sa Pilipinas. 'Di ba nasa ibang bansa 'yung tatay ko, stress kaming lahat. Tapos scam pala, buti hindi nagbigay ng pera si mama.
Alexandra:
Ang dami mo namang sinabi hahaha. SKL naman, at isa pa hindi naman humihingi ng pera at sabi niya nakuha niya 'yung number ko sa kakilala namin.
Gigi:
Girl. Baka gusto lang ng textmate. Baka galawan niya iyan o baka naman totoong kilala, may crush sa iyo dati at nagkaroon ng chance, dahil nakuha niya ang number mo.
Tsaka girl huwag kang masyadong maniwala na nakuha niya sa kakilala mo 'yung number na iyan. Galawang scammer iyan eh.Alexandra:
Uso pa ba 'yung mga textmate? At isa pa, parang sa libro lang nangyayari ang sinabi mo. Galawan talaga ng may crush sa akin? Sana totoo. Pero tingin ko hindi naman scammer, wala ngang pera na hinihingi. Sana nga talaga crush lang hahahaha.
Gigi:
Sana nga all may nagkaka-crush sa iyo. Pero baka wrong number o baka naman trip lang talaga.
Alexandra:
Baka nga. Siguro.
Gigi:
Wait ka na lang. Baka naman tumigil kung hindi mo rereplayan o kaya naman magpakilala.
Alexandra:
Sige.
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Mystery / ThrillerAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...