"Siya?" Tanong ni Jerry habang nakatingin sa isang babaeng nagbabasa ng libro.
"Hindi. Iyong katabi niya," mahinang sabi ni Hunter.
Nasa isang restaurant sila ngayon kung saan maraming estudyante ang kumakain.
"She's pretty," nakangising sabi ni Tina habang pinagmamasdan ang dalawang magkaibigan.
"Huwag kayong magpapahalata," paalala ni Jerry sa mga kasama.
"You're prettier," sabi ni Hunter sabay halik sa pisngi ng dalaga.
"Save your pambobola later, kakailanganin mo iyan," inis na sabi ni Tina.
"Kung siya na talaga, ako na ang bahala. Huwag na kayong mag-alala," kinindatan ni Jerry ang dalawa at nag-umpisa ng maglakad.
Tahimik namang sinundan nila Hunter si Jerry, mabilis silang pumasok sa sasakyan at sikretong kinuhanan ng litrato ang bago nilang target.
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Misterio / SuspensoAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...