Gigi:
Pasensya ka na. May bigla lang kasi akong naalala at kailangan kong sabihin kay Tita Steph.
Sweet:
Ano naman iyon?
Gigi:
May naging textmate si Alex bago siya mawala. Hunter ang pangalan.
Sweet:
Tingin mo siya ang dahilan kung bakit siya nawawala ngayon?
Gigi:
Hindi ako sigurado pero kung hindi siya sino pa ba? Naaalala ko sinabi sa akin ni Alex na ang sweet daw nung Hunter.
Sweet:
Nako girl. Baka nahulog na iyon sa Hunter. Delikado pa naman ang mga ganyan, hindi kaya nakipagkita siya doon?
Gigi:
Iyon din ang iniisip ko. Ang sabi pa daw ni Hunter, matagal na niyang kilala si Alex. Pero imposible iyon kasi kilala dapat natin lahat ng nakakasalamuha niya.
Sweet:
At wala naman tayong kilalang Hunter? Baka matagal na niyang minamanmanan si Alex.
Gigi:
Nakita mo ba iyong balita? Hindi lang daw si Alex ang nawawala, meron pa daw dalawa at nakita silang patay sa may construction site. Paano na kung mangyari iyon kay Alex?
Sweet:
Huwag muna tayong mag-isip ng ganyan. Positive tayo ngayon, makikita pa natin siya.
Sweet:
Teka nga, 'yung cellphone ba ni Alex nakita na?
Gigi:
Ha? Bakit mo naman naisip 'yung cellphone niya. Mahalaga ba iyon?
Sweet:
Sira ka ba? Oo naman. Doon natin malalaman kung yung Hunter ba ang huling kausap niya. Tingin mo na kay Alex pa rin ba ang cellphone niya. Hindi ba ma-tract ng mga pulis?
Gigi:
Ewan ko sa mga pulis.
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Mystery / ThrillerAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...