Alexandra:
Lol. Pasensya na, alam mo naman na kakatapos lang ng exam. Syempre busy at oo, kinakausap ko pa si Hunter. Magkaibigan na kami, ang bait nga niya eh. Tingin ko wala namang dapat ikatakot o problemahin. At ipapaalala ko sa iyo, textmate lang kami. Naaalala mo na uso iyon dati? Parang ganoon lang, at isa pa kilala raw niya ako. Gusto ko talaga malaman ang dahilan kung bakit ko siya nakalimutan.
Gigi:
Oo na girl. Ang dami mo namang sinabi. Nag-aalala lang ako, para kasing nafofocus ka na sa kanya.
Alexandra:
Sus. Selos ka naman, ikaw pa rin ang bestfriend ko.
Gigi:
Ewan ko sa iyo. Malapit na magbakasyon, magliwaliw tayo para tigilan mo na 'yang si Hunter. Ihanap kita ng totoong tao.
Alexandra:
Totoong tao naman si Hunter eh.
Gigi:
Paano mo nasabi?
Alexandra:
Alam mo, kakapanood mo iyan ng mga crime docu at sa mga librong binabasa mo. Relax ka lang at bawasan mo ang panonood.
![](https://img.wattpad.com/cover/306807010-288-k207858.jpg)
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Misteri / ThrillerAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...