Alexandra:
Hunter daw ang pangalan niya at kilala niya daw ako. Hindi ko talaga alam na may kakilala akong ganoon pero parang pinapahiwatig niya na nakalimutan ko lang siya at magkakilala talaga kami. Never niya daw akong nakalimutan.
Gigi:
Girl baka love scam iyan.
Alexandra:
Love scam naman ngayon. Pero girl, ang gwapo ng pangalan. Gwapo kaya ito sa personal.
Gigi:
Hindi natin sure. Malay mo maganda pala.
Alexandra:
Huwag mo namang sirain ang pangarap ko. Alam mo naman ang hopeless romantic ko.
Gigi:
Iyon na nga baka mapahamak ka diyan.
Alexandra:
Textmate lang naman. Marami namang gumagawa noon at isa pa gusto ko talaga malaman kung sino siya at paano kami nagkakilala.
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Mystery / ThrillerAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...