Alexandra:
Hunter. Magdamag akong nagisip nito at sa totoo lang hindi ko alam kung tama ang sasabihin ko sa iyo.
Hunter:
Ano iyon?
Alexandra:
Gusto talaga kitang bigyan ng chance, gusto kong malaman kung may mapupuntahan ang lahat ng ito.
Hunter:
Bakit? Dahil textmate lang tayo? Alam ko, kaya gusto kong ipakita sa iyo na mahalaga ka sa akin kahit sa text lang.
Alexandra:
Alam ko at nararamdaman ko iyon.
Hunter:
Ano na ba ang desisyon mo, magugustuhan ko ba ito?
Alexandra:
Ayokong paghintayin ka pa, sa totoo lang ay nag-guilty ako dahil nakalimutan kita.
Hunter:
Huwag kang ma-guilty hindi mo kasalanan ang lahat at ano ang ibig sabihin mo sa ayaw mo akong paghintayin? Huwag mong sabihin na?
Alexandra:
Oo Hunter. Pumapayag na ako na maging girlfriend mo.
Hunter:
YES!!!!! Salamat. Salamat talaga, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong araw. I LOVE YOU ❤❤❤❤😘😘😘😘
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Mystery / ThrillerAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...