45.

27 1 3
                                    

Hunter:

Goodmorning. Sana hindi ka mailang, sa mga ginagawa ko, lalo na at alam mo na ang totoong rason kung bakit ko ito ginagawa.

Alexandra:

Aaminin ko na naiilang talaga ako, hindi ko pa rin kung ano ang dapat kong ireact o kung kagaya pa rin ba mg dati ang lahat. Ayoko naman kasi na may magbago sa pakikitungo ko sa iyo.

Hunter:

Masaya ko dahil sinasabi mo iyan. Para bang importante na ako sa iyo kahit textmate lang tayo hahahaha.

Alexandra:

Mabait ka naman kasi sa akin at nakakagaan ng loob kapag kausap kita.

Hunter:

Kung ganoon ba may chance na ako? Alam ko na naitanong ko na ito sa iyo, pero gusto ko lang marinig sa iyo.

Alexandra:

Hindi ko talaga alam. Naguguluhan ako.

Hunter:

Tulungan kita.

Alexandra:

Ha? Paano naman?

Hunter:

Tatanungin kita ng mga tanong tapos sasagutin mo lang ako.

Alexandra:

Sige?

Hunter:

Okay! Gusto mo ba akong ka-text?

Alexandra:

Oo naman.

Hunter:

Naiisip mo ba ako?

Alexandra:

Anong klaseng tanong naman iyan?

Hunter:

Sagutin mo na lang.

Alexandra:

Oo? Kaibigan kita eh, kaya naiisip kita.

Hunter:

Oo o hindi lang, hindi na kailangan ng explanation hahahaha.

Alexandra:

Oo na hahahaha.

Hunter:

Tumitibok ba ang puso mo kapag kausap ako. Palagi ka bang nakangiti?

Alexandra:

Ha? Oo? Tingin ko.

Hunter:

May iba ka bang ka-textmate maliban sa akin?

Alexandra:

Wala na. Ikaw lang naman kasi ang madalas mag-text sa akin.

Hunter:

Hinihintay mo ba ang mga text ko?

Alexandra:

Oo.

Hunter:

Alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Alexandra:

Ano ang ibig mong sabihin?

Hunter:

Malaki ang chance ko sa iyo. Liligawan kita.

Alexandra:

Hunter

Hunter:

Alex. Huwag mong pigilan ang puso mo, nararamdaman ko na may gusto ka rin sa akin. Kaya please hayaan mo na akong ligawan ka. Hindi mo naman kailangang sumagot agad eh.

Alexandra:

Okay.

Hunter:

Pag-isipan mo ang lahat ha. Tandaan mo, sundin mo ang puso mo. I love you.

Do not Reply | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon