Alexandra:
Tama ba ang nabasa ko sa huli mong message?
Hunter:
Oo. Dahil alam kong may nararamdaman ka sa akin kaya naglakas loob na ako hahahaha. Mula ngayon hindi na ako matatakot sabihin na mahal kita.
Alexandra:
Hunter, hindi ko naman sinabi na may nararamdaman ako sa iyo eh.
Hunter:
So, wala talaga? :(
Alexandra:
Hindi naman sa ganoon.
Hunter:
So, may chance talaga ako? ❤❤❤
Alexandra:
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Alam kong mahalaga ka sa akin pero hindi ko alam kung mahal na ba iyon.
Hunter:
At least mahalaga na ako sa iyo.
Alexandra:
Pasensya ka na. Ang laki ng naitutulong mo sa akin pero hindi kita mabigyan ng sagot.
Hunter:
Maghihintay ako kahit matagal. Huwag kang mag-alala, sanay naman na ako eh. Hindi ba, matagal na kitang hinihintay.
Alexandra:
Iyon na nga eh, matagal mo na akong hinihintay tapos hindi pa kita maalala. Pero ni hindi ka nagalit sa akin. Mali itong ginagawa ko, dapat sinasagot ko na ang tanong mo. Alam ko namang hindi ka masamang tao eh at importante ka sa akin.
Hunter:
Huwag ka munang sumagot kung napipilitan ka lang, maghihintay ako.
Alexandra:
Basta bukas. Hanggang bukas na lang, sasabihin ko na sa iyo ang desisyon ko.
Hunter:
Ano bang desisyon iyon?
Alexandra:
Kung ano ang gusto mong mangyari sa relasyon natin.
Hunter:
Gusto kong maging girlfriend kita, makukuha ko ba talaga ang sagot mo? Iyon lang talaga ang gusto ko sa buong buhay ko.
Alexandra:
Pag-iisipan kong mabuti.
Hunter:
Salamat. Sana nga ito na ang huling paghihintay ko at makuha ko ang matagal ko ng gusto.
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Mystery / ThrillerAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...