Alexandra:
Hindi ko alam kung tama ba na nakikipag-usap ako sa iyo. Kasi hindi naman kita kilala, oo nga at kilala mo ako pero hindi kita kilala.
Hunter:
Kaya nga kinikilala mo ako eh. Sige ano pa ba ang gusto mong itanong sa akin? Favorite color ko? Blue. Pagkain? Bicol express, gusto ko rin ng pizza—okay sa akin ang pineapple sa pizza. Akala ko ba okay na magkaibigan tayo?
Alexandra:
Pasensya ka na. Kasi naman 'yung bestfriend ko eh, gusto niya na iwasan kita.
Hunter:
Hahahaha. Iyon lang ba? Normal lang naman na mag-alala iyon. Totoong kaibigan ang tawag doon. Ikaw pa rin naman ang magdedesisyon ng lahat eh. Ano ba ang gusto mo?
Alexandra:
Ang gusto ko?
Hunter:
Ang tingin mong dapat gawin?
Alexandra:
Hindi naman ako magaling sa mga desisyon eh.
Hunter:
Wala ka talagang tiwala sa sarili mo. Magtiwala ka ng kahit na kaunti, ano ba talaga ang gusto mong gawin? Ano ano ang tingin mo sa akin?
Alexandra:
Alam mo, naniniwala talaga ako na hindi ka masamang tao at gusto ko na maging magkaibigan tayo.
Hunter:
Iyon naman pala bakit hindi mo na lang sundin kung ano ang gusto mo?
Alexandra:
Siguro nga tama ka. Iisipin ko na lang kung ano ang sasabihin ko sa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Mystery / ThrillerAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...