Alexandra:
Pasensya ka na Hunter. Ano kasi, gusto ko lang mapag-isa.
Hunter:
Dahil ba sa results ng exam mo?
Alexandra:
Oo. Ang baba, pasang-awa lang.
Hunter:
Alam kong mahalaga sa iyo na magkaroon ng mataas na grade. Hindi ko alam kung paano papagain ang loob mo, basta nandito lang ako.
Alexandra:
Salamat
Hunter:
Sige lang. Magkwento ka pa.
Alexandra:
Wala naman ako dapat ikwento. Wala namang nagagalit sa akin kung mababa o mataas ang grades ko, suportado naman ako ng mga magulang. Ako lang naman 'yung hindi makuntento.
Hunter:
Alex, wala namang masama na magkaroon ka ng goals—may expectation ka sa sarili mo. Mas maganda nga iyon kaya lang minsan hindi nasusunod ang mga expectation natin. Masakit iyon at ayos lang na umiyak ka, pero dapat bumangon ka pa rin at huwag sumuko.
Alexandra:
Salamat Hunter.
Hunter:
Ikaw pa ba.
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Misteri / ThrillerAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...