Gigi:
Narinig mo ba kanina ang pag-uusap ng detective at ni tita?
Sweet:
Hindi masyado. Nasaan ka ba kasi kanina?
Gigi:
Kasama ko 'yung kapatid ni Alex. Alam mo naman kailangan sila tita kausapin ng mga pulis. So, ano na nga ang narinig mo?
Sweet:
Nabuksan na nila 'yung cellphone ni Alex! Wala raw nakalagay maliban sa isang text message.
Gigi:
Anong text message?
Sweet:
Hindi ko alam eh. Biglang may tumawag sa pulis, tapos papapuntahin na lang daw sila sa station.
Gigi:
Ganoon na lang iyon?
Sweet:
Ewan ko sa kanila. Pero baka tungkol iyon sa kaso, mukang seryoso kasi 'yung detective.
Gigi:
Sana naman tungkol iyon sa gumawa noon kay Alex.
Sweet:
Sana nga para mabigyan na siya ng hustisya.
BINABASA MO ANG
Do not Reply | ✔
Mystery / ThrillerAn Epistolary Maayos ang buhay ni Alexandra ngunit nagulo ang lahat nang magreply siya sa isang unknown number. Sino nga ba ang tao sa likod ng unknown number at paano niya nakuha ang number ni Alexandra? Warning: Do not reply, if you want to be saf...