81.

18 0 0
                                    

Sweet:

Alam mo na ba kung ano 'yung sinasabi nilang text message?

Gigi:

Hindi pa.

Sweet:

Ano kaya ang nakalagay doon?

Gigi:

Hindi ko alam kung kaya kong itanong kay Tita. Ikaw na lang kaya?

Sweet:

Anong ako? Bakit ako? Hindi ko rin kaya iyon, alam mo naman na masakit pa rin sa kanya ang nangyari at mahirap  kung dadagdagan pa natin.

Gigi:

Pakiramdam ko kasi mahalaga ang message na iyon. Baka makatulong sa kaso.

Sweet:

Nasa kamay naman na ng mga pulis 'yung cellphone. Kung makakatulong iyon, sila na ang bahala.

Gigi:

Pero gusto ko ring tumulong.

Sweet:

Alam ko. At gusto ko ring tumulong. Gusto nating lahat na tumulong. 'Yung jowa mo na lang kaya ang magtanong.

Gigi:

Try ko.

Do not Reply | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon