Chapter 19

175 18 10
                                    

Chapter 19: Please?

Wea Angelic's POV

Napahawak ako sa dibdib ko. There is a strange feeling on the left part of it. Ngayon ko lang naramdaman itong ganito. Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko pero hindi ako makakilos. Para akong naging estatwa ng wala sa oras. Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at lumabas mula roon si Shin na mukhang naabala mula sa pagtulog. Halos ilang linggo na rin ang nakalipas nang makalabas siya ng ospital at agad naman siyang nakabalik sa mga dati niyang gawain.

"Oh? What happened here? Is he drunk?", tanong ni Shin kay Paula habang nakaturo kay Ethan. Hindi sumagot si Paula. Nakatulala lang siya. Agad na kinuha ni Shin ang kabilang braso ni Gab at inilagay ito sa balikat niya.

"Paula, are you okay? Thanks for bringing Gab here", tumingin si Paula kay Shin pagkatapos ay tumango lang ito at ngumiti pagkatapos ay tumalikod ito agad at nagsimulang tumakbo palayo. Nagkibit-balikat si Shin at pagkatapos ay isinarado na niya ang pinto.

Naiwan akong nakatayo roon. Mga ilang minuto ko ring pinagmasdan ang pinto na nasa harap ko bago ko naisipang umalis. Naglakad lang ako nang naglakad.

Bakit ako? Bakit ako ang hinahanap niya? Buong oras akala ko si Paula yung tinutukoy niya. Hindi ko naman siya iniwan eh. Siya ang nagpaalis sa akin.

"Wea", napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Angela na naglalakad sa likod ko. Agad akong lumapit sa kanya para magtanong dahil talagang naguguluhan na ako.

"Bakit niya nasabing iniwan ko siya? I don't left him", nagkibit-balikat lang siya at saka ngumiti.

"Kasi kahit hindi mo siya iniwan, ang alam niya sa sarili niya, iniwan mo siya"

"P-pero–" napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Wea, may dahilan kung bakit ka pansamantalang nawala sa kaniya. Malalaman mo iyon kapag natanggap niya ang pagkakamali niya", ngumiti siya at pagkatapos no'n ay naglaho nanaman siya na parang bula. Anong pagkakamali?

--

Paula Peterson's POV

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa maramdaman ko nanaman ang pagbigat ng hininga ko. Dirediretso pa rin ang pagpatak ng mga luha ko at kahit anong pahid ko ay hindi mawala ang mga iyon. Napaupo na lang ako sa kalsada nang maramdaman ko ng hindi ko na kayang tumakbo.

Ang sakit. Akala ko, ako yung tinutukoy niya. All this time, sinisi ko ang sarili ko kung bakit ko siya iniwan dahil akala ko ako yung tinutukoy niya.

"Ma'am. Sumakay na po kayo bawal–"

"Iwan niyo muna ako dito,please?"

"Pero ma'am–"

"Please! Leave me here alone", hindi na sila sumagot pero alam kong nandiyan pa rin sila sa malayo. Tumingin ako sa langit. Punong-puno ito ng mga nagkikislapang bituin. Kitang-kita ang mga ito dahil hindi masyadong maulap. Kahit nakatingala na ako, hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Kung hindi siguro ako nagkasakit, hindi nangyayari 'to.

"Pagod na pagod na ako. Bakit mo ako binigyan ng ganitong sakit? Ilang sandali na lang ang ilalagi ko dito sa mundo, pero bakit ganito pa?", ipinikit ko ang mga mata ko at iniiyak ko ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako sa sakit na 'to pero mas masakit pa rin pala talaga yung makita mo yung taong mahal mong unti-unti nang nawawala sa'yo.

"Unti-unti na siyang nawawala sa akin", bulong ko habang tinitignan ko ang kalangitan. Nanatili lang akong nakatingin doon. Hindi ko alam kung ilang minuto, ilang oras basta ang alam ko ay wala na. Mananatili ng ganoon ang lahat.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon