Chapter 9 : Target
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Shin's POV
Papasok na 'ko sa school ngayon.Late na nga ako, sa second floor pa ang class ko ngayon. Habang naglalakad ako sa corridor, nakasalubong ko yung babaeng nagbigay ng sulat sa akin, yung Rin ba yun? Nginitian ko naman siya pero iniwas niya lang yung tingin niya sa akin at yumuko tapos ay nagtuloy-tuloy na siya sa paglalakad,tss.
Second subject na siguro ang maabutan ko nito, dahil nga sa late na akong nagising. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko sila Gab at Lance na nasa labas ng room. Lumapit naman agad ako sa kanila.
"Late ka tol ah!" sabi ni Lance.
"Ah,Oo. Bakit kayo nasa labas?"
"As usual!"sabi ni Gab sabay tingin sa room pero inalis niya agad yung tingin niya dun.
"Sige, pasok na ako mga tol" sabi ko.
"Teka lang!! Hindi ka ba sasama?" tanong ni Lance.
"Hinde" tipid kong sagot. Ayoko kasing magcutting.
"Tss! Sige na! Dun ka na nga kay Justin"
Naglakad na ulit ako papasok ng room pero bago ako makapasok, may sinabi ulit si Lance.
"Nga pala Shin, nakasalubong mo ba yung babaeng nagwawala sa room nung isang araw?"
"Oo! Bakit?"
"Haha, baliw yung babaeng yun! Gusto niyang bawiin yung sulat,yung binigay niya sayo!" sabi ni Lance habang tumatawa. Bawiin? Bakit naman kaya?
Papasok na ko sa room ng biglang lumabas yung teacher namin ng first subject which is Ma'am Villaflor. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.
"Late ka Mr. Scott!"masungit na sabi nito. "Naku, ikaw hijo! Wag kang gagaya sa mga kabarkada mo, sayang ka!" sabi niya sabay alis na. Pumasok na lang ako sa room at dumiretso sa upuan ko. Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk ko, matutulog na lang ako habang wala pa ang teacher namin.
"Tol ! Tol!" mga ilang minuto pa lang akong nakayuko ay biglang may kumakalabit sa'kin. Bwisit naman oh!
"Ano?"
"Alam mo ba! May bago akong natuklasan!" sabi ni Justin na ang saya-saya ng mukha. Tinignan ko lang siya at mukhang nakuha naman niya ang tingin na yun na parang sinasabi kong 'ano?bilisan mo!inaantok ako'. Lagi kong ginagawa yung tingin na yun kaya mukhang alam na niya.
"Tss! Oo na,eto na! Alam mo ba, yung amazonang si Xena at yung nagwawalang babae na si Rin ay magpinsan? Ang galing noh? Parehas silang amazona!!!" sabi ni Justin. Tinignan ko lang siya ng blangko at sumubsob ulit sa desk ko, nakaka-antok na kwento.
****
Justin Timothy's POV
Iniwan ako nung dalawang yun? Di man lang ako inaya ni Gab at Lance na magcutting. Huhuhuhu, g*go yung mga yun ah? Teka? Bat parang ang bakla ko naman? Tss.
Nakanga-ngang pinakinggan ko na lang si Ma'am Villaflor. Halos wala namang pumapasok sa utak ko kaya napag-isipan kong maglabas ng notebook at magplano na lang ng mga ganti ko kay Xena.
Di ko naman namalayan na umalis na pala si Ma'am Villaflor at nakitang papasok naman ng room si Shin. Aba, late ang good boy ng barkada. Yumuko naman agad siya sa desk niya na parang matutulog pero nilapitan ko pa din siya.
"Tol ! Tol!"sabi ko. Inangat naman niya yung mukha niya at tumingin sa kin ng bwisit na bwisit.
"Ano?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
She's My Guardian Angel (ON-GOING)
FantasyGabriel Ethan Lim. A name that will surely ruin you if you choose to stay with him. She's My Guardian Angel Year started: 2014 Written by: TINKERELLE (DEY)