*SPECIAL CHAPTER #3

165 16 6
                                    

Special Chapter #3: A Prince and A Knight In Shinig Armor

Lance Andrey Lopez's POV

"Lance, bakit nangyayari sa 'kin ang mga bagay na 'to?"

Umiiyak nanaman siya. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang mailayo siya sa sakit na nararamdaman niya. Lagi na lang akong walang nagagawa kundi ang yakapin siya tuwing umiiyak siya.

"May rason. May rason Siya kung bakit mo nararanasan ang mga bagay na 'to", bulong ko sa kanya.

"Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako, Lance. Lagi na lang Niya ipinagkakait sa 'kin kung ano yung gusto ko.", umiiyak na sabi niya. Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak.

"Dapat kasi ako na lang, eh", para hindi ka nasasaktan ng ganyan. Dapat sa akin ka na lang nagka-gusto. Dapat ako na lang ang minahal mo.

"H-ha?", napatingin siya sa akin at nakita ko ang mga namumugto niyang mata dahil sa pag-iyak. Pinunasan ko ang mga luha niya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya. Sa mga matang sana sa akin na lang nakatingin, sana sa akin na lang at hindi kay Gab.

"W-wala! Sabi ko, dapat ako na lang nagkaroon niyang sakit mo eh. P-para alam mo na, para natuloy ang love story niyo ni Gab", para ako na lang ang nasasaktan kaysa ikaw.

"Sira ka talaga!", tumawa siya habang nakatingin sa akin. Lumayo siya sa akin at bumuntong-hininga. Tumingin siya sa akin ng nakasimangot. "Sino na ang magiging knight in shining armor ng isang damsel in distress kung ikaw yung magkakasakit?"

Napangiti ako. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana ng kwarto niya. Tanaw-tanaw mula rito ang malawak nilang hardin na punong-puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak.

"Kung ang knight in shining armor ang magkakasakit, wag kang mag-alala. Nandiyan naman ang Prinsipe mo eh, hindi ka papabayaan no'n. Mas maiiligtas ka niya kaysa ni Knight in shining Armor", sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Oo, mas maiiligtas ka ni Gab mula sa sakit na nararamdaman mo. Siya lang makapag-aalis niyan dahil siya ang mahal mo.

"H-ha?", lumingon ako sa kanya at saka ngumiti. Lumapit ako sa kanya at saka hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya palabas ng kwarto niya at nagtuloy-tuloy kami sa labas ng bahay nila.

"H-hoy. Sa'n tayo pupunta?", tanong niya.

"Basta. Wag ka ng mag-alala, itetext ko na lang sila Tito", sabi ko. Binuksan ko yung pinto ng kotse ko at pinasakay siya doon. Sumakay ako sa driver seat at sinimulan ko ng paandarin ang kotse.

"Saan tayo pupunta?", tanong niya.

"Sa lugar ng isang Knight in Shining Armor", sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Tinignan ko siya mula sa gilid ng mga mata ko. Nakangiti siya. Parang nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko ang mga ngiting 'yon. Hindi siya sumagot at tumahimik na lang siya sa buong biyahe.

Malayo ang pupuntahan namin. It takes two hours para makarating doon. Chineck ko yung oras at nakitang mag-aalas dose na ng tanghali. Hindi siya pwedeng malipasan ng gutom kaya dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain.

"Ang ganda", sabi niya habang namamanghang nakatingin sa dagat. Tanaw kasi mula rito yung maputing buhangin at yung kulay asul na dagat. Inilabas niya yung phone niya at nag-umpisa siyang kumuha ng litrato ng mga iyon.

"Oo nga", nasabi ko na lang habang nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko.

"T-tara na?", tumayo na ako at naglakad palabas. Sumunod naman agad siya sa akin. Nagsimula nanaman ang katahimikan ng paandarin ko ang kotse. Mga ilang minuto lang din ay nakarating na kami doon. Bumusina ako at agad naman nilang binuksan yung gate. Ipinark ko yung kotse sa may tapat ng bahay-bakasyunan namin. Bumaba ako ng kotse at bumaba na rin si Paula. Inihagis ko dun sa isa sa mga driver ni dad yung susi ng kotse ko. Kinuha ko yug phone ko para itext yung Dad ni Paula at agad namang nagreply 'to.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon