Chapter 16

200 18 5
                                    

Chapter 16: A sorry

"A sorry can heal a thousand wounds"

Gabriel Ethan's POV

"Bro! Nagising na daw si Shin, kahapon pa. Pumunta ka na dito sa hospital.", sigaw sa akin ni Justin sa phone. Agad kong ibinaba yung tawag at inilapag ang phone ko sa study table. Ibinagsak ko na lang ang katawan ko sa kama habang iniisip ang mga sinabi ko kay Wea kahapon. Masyado bang masakit ang mga sinabi ko kaya umalis siya?

Pagdating ko kagabi, wala akong nadatnang tao sa bahay. Si Yaya Ellen, siguradong nasa hospital, si Wea, wala. Hinanap ko siya sa kwarto niya pero pagbukas ko, malinis at nakaayos ito. Wala doon yung mga gamit niya. Siguradong nasaktan nga yon sa mga sinabi ko. Sh*t! Ano bang paki-alam ko? Bakit ko pa ba iniisip yon? Umalis siya kung gusto niya, hindi naman siya kawalan.

Pero paano kung maulit yung nangyari? Paano kung kinuha nanamn siya nung kamag-anak niyang baliw na si Leriane? F*ck! What's happening to me? Bakit ko ba siya iniisip? I don't care with her. I don't care. Hindi ko siya hahanapin, hindi ko siya ililigtas. Hindi ko ilalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ko para iligtas lamang siya.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko, dadalawin ko si Shin. Paglabas ko ng bahay, nakita ko yung batang si Athena. Yung batang nagpipilit na girlfriend ko daw si Wea.

"Kuya Gab! I thought you're different! I thought hindi mo sasaktan si Ate Wea! Pero hindi pala, you're bad! I hate you!",sigaw niya sa akin sabay hampas nung teddy bear niya. Tatakbo na sana siya pero hinawakan ko siya.

"Teka. Alam mo kung nasaan si Wea?", tanong ko. Yumuko siya saka umiling.

"No but I saw her yesterday. She's crying. Paalis siya sa bahay niyo. Inaway mo siya, bad ka!", sigaw ulit niya. Tss, I really don't like kids. They're so slow. Pinapaniwalaan agad nila kung ano ang nakikita nila. Hinampas niya ulit sa akin yung teddy bear at saka siya tumakbo papalayo.

Naglakad ako hanggang sa makakita ako ng taxi. Pinara ko iyon at pinadiretso sa hospital. Pagbaba ko ng taxi, may nakita akong dalawang tae este tao. Sunod ng sunod yung babae doon sa lalaki. Ilang beses na siyang sinigawan nung lalaki at pinapalayo pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsunod.

"Hey! I just want to give this to you. Tanggapin mo na. Promise, hindi na kita susundan", sabi nung babae sabay abot nung kulay asul na box. Kinuha nung lalaki yung box.

"Happy? Miss dakilang-stalker-ko, wag mo na akong sundan, please?", umalis na yung lalaki at naiwan yung babaeng nakatayo pa din doon. Halata sa mukha niyang malungkot siya. Ganoon din kaya yung naramdaman ni Wea nung sinisigawan ko siya para tigilan ang pagsunod sa akin?

"Sir? Okay lang ba kayo? Ito na po yung sukli niyo oh", napatingin ako dun sa driver ng taxi na inaabot sa akin yung sukli sa 500 pesos ko. Imbis na sagutin, isinara ko yung pinto at tumakbo papunta sa loob ng hospital. Bakit lahat yata ng nakikita ko ngayon, pinapaalala sa akin si Wea? Ako ba ang may kasalanan kung bakit siya umalis? Tss, pinili niyang umalis, desisyon niya yon, kaya wala naman na siguro akong kasalanan don. Tsaka, wala naman siya naitutulong sa akin, mas lalo pang nagiging misirable ang buhay ko dahil sa kanya.

"Gab", bati agad sa akin ni Lance pagbukas ko nung pinto ng kwarto ni Shin sa hospital. Nakaupo si Justin malapit sa kama ni Shin. Kahit na may mga naka-connect pang kung ano-ano sa katawan ni Shin, nagulat ako na mukhang okay na agad siya. Nakasandal siya sa headboard ng kama, habang nakakangiti na sa mga kalokohang sinasabi ng dalawa.

"Ang bait talaga ng Diyos, niligtas ka pa rin niya Shin!", sabi ni Justin. Oo, niligtas Niya nga si Shin, pero hindi niya man lang nagawang iligtas ang mommy ko. I think it's not fair. Pero wala na akong magagawa, nagpapasalamat na lang akong nakaligtas si Shin.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon