Chapter 21

114 11 3
                                    

Salamat talaga sa mga nagbabasa pa nito. Thank you sa motivations. Thank you talaga.

Chapter21: If Angels really exist
"If angels really exist, so there's a reason for them to perish"

I've been walking for almost half hour, pero parang hindi ako napapagod. Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta, basta alam ko gusto kong pumunta sa lugar na walang manggugulo sa akin, walang Wea, walang Shin, basta wala.

Dumidilim na ang paligid at parang nang-aasar pa yata ang langit, unti-unting pumatak ang mga tubig na kanina pa pinipigilan ng mga ulap sa itaas. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Hindi ko na alam kung anong una kong iisipin. Masyado nang maraming problema ang nakalagay sa utak ko at hindi ko alam kung ano ang uumpisahan kong ayusin. I just want to escape these shits and go to another world where no one will give me a lot of  fucking things to think. A world where I can feel happiness, freedom and love. But for Pete's sake, I know that there's no fucking world like that in this damn universe. There's no escape, there's no happiness, there's no freedom, and even love. There's just an anxiolytic thing that might free you from those situation, but you can't flee from it.

Sinipa ko 'yong bato, nagbabakasakaling lahat ng problema ko ay mapunta doon. Nang lumipad 'yon sa di kalayuan, napatigil ako. Hindi siya bato. It shines like a fucking diamond. Who the hell threw this thing? Napunta 'yon sa gitna ng kalsada, tumingin muna ko sa kaliwa at kanan bago ako maglakad.

Nang makalapit ako sa kung nasaan 'yon, tama nga ang akala ko. Isa 'yong dyamante. Agad kong pinulot at tinignan kung totoo. Mabigat 'siya, mga kasing laki ng thumb ko, at matigas na parang totoo nga at hindi plastik. Itinaas ko ito upang tignan ng mabuti, ngunit sa di kalayuan ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan at nakakasilaw na ilaw. Itinaas ko ang mga kamay ko upang di hindi ako masilaw. Papalakas ng papalakas ang busina ng sasakyan.

Sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko maikilos ang katawan ko. Gustong gusto kong umalis sa kinatatayuan ko upang iligtas ang sarili ko pero hindi ko magawa. Kahit maigalaw man lang ang mga kamay ko ay hindi ko rin magawa. Hindi rin ako makasigaw, pero kung sakaling makakasigaw ako, wala rin namang sasaklolo sa akin. I'd rather face this danger on my own than asking for help of others. Magkakaroon pa ako ng utang ng loob kung sakali and that is not my thing.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang palapit ng palapit iyon. Wala rin akong magagawa eh, tanging mga mata ko lang ang naikikilos ko. Hinihintay ko na lang ang katapusan ko. Katapusan? Teka, hindi naman siguro, ospital lang naman siguro ang bagsak ko nito. Pero kung sakaling sa Morgue, mas magpapasalamat pa ako. Makikita ko na rin siya sa wakas.

Pero ayaw pa yata na kung sino ang mamatay ako eh. Huminto yung sasakyan kung saan malapit na malapit na talagang mabunggo ako. Sobrang lapit, parang kalahating hakbang na lang mabubura na sana ako sa mundo. Bumaba 'yong nasa sasakyan at galit na galit na humarap sa akin.

"Hoy. Ano ka ba? Magpapakamatay ka ba talaga?,"sigaw ng matanda. Tinignan ko siya ng diretso at seryoso.

"Oo."

"Mga kabataan talaga ngayon,"inis na inis na sabi niya habang pabalik sa kotse niya. Naiigalaw ko na ang kamay ko kaya tumabi na ako sa dadaanan niya. "Kung gusto mo magpakamatay, wag dito, nakakagulo ka pa ng ibang tao"

Pinaandar na niya ang sasakyan niya at tinignan ko na lang 'yon habang palayo ng palayo. Napailing na lang ako dahil 'yon nga ang masaya eh, 'yong mamamatay na lang nga ako, manggugulo pa. Maglalakad na sana ulit ako ng may makita ako sa di kalayuan. Nakatayo siya sa kabilang part ng kalsada. Nakatingin lang siya sa'kin at saka siya ngumisi. Ngumiti siya ng nakakaloko at saka tumalikod at naglakad palayo.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon