Chapter 12

214 22 0
                                    

Chapter 12: Missing Angel

Shin's POV

Hindi ko pa rin alam kung anong nangyari kagabi kila Wea, kung bakit wala siyang malay at kung bakit may pasa si Gab. Sanay naman na akong makita si Gab na may pasa pero ang pinagtataka ko, bakit walang malay si Wea? Ayaw namang banggitin ni Gab sa akin. Itatanong ko na lang siguro kay Wea, hindi maka-usap ng matino si Gab eh.



Papasok na ako sa School, hindi pumasok si Gab dahil sisiguraduhin daw niya munang ligtas na si Wea. Sa totoo lang, ngayon ko lang ulit siya nakitang ganoon kaalala. Mukhang napapalapit na din ang loob niya kay Wea kahit lagi niya itong inaaway. Sabagay, mukhang magkakasundo naman talaga sila, lumalabas kasi ang pagkaimmature ni Gab kapag nandiyan si Wea. At mula ng dumating si Wea, mejo nababawasan na din ang pagka-bad boy ni Gab.



Bigla namang lumitaw sa paningin ko si Justin at Lance.



"Si Gab?" tanong ni Lance. Hinahanap nanaman niya ang kakambal niya sa ugali.



"Di papasok"



"Bakit?" tanong ulit ni Lance.



"Ewan"



"Tss, isang tanong isang sagot ah!" nakangiting sabi ni Justin. Mukhang nainis naman si Lance sa mga sagot ko kaya mas pinili na lang niyang tawagan si Gab. Kinuha ko naman yung libro ko at nagsimula ng magbasa habang wala pa yung lecturer namin. Napansin kong nakatingin lang sa'kin si Justin.



"Ano?"tanong ko ulit. Ngumiti siya ng nakakaloko saka tumingin sa may pinto. Lumingon naman ako at nakita yung Xena kasama si Rin. Nakatingin si Xena ng masama habang hinihila siya ni Rin para maglakad na. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa may libro, tss. Wala namang nakaka-interesado na nangyari ngayong araw, natapos ang klase buong maghapon ng simple. Wala kasing lakas ng loob si Lance na kulitin yung mga lecturer dahil wala ang partner niya. Wala si Gab na nambwibwisit sa mga teacher.



Naglakad naman ako palabas ng school at pumara ng bus. Its better na sa Books Store na lang ako tumambay kesa sa kung saan-saan. Mga ilang minuto lang ay nasa mall na ako kaya dumiretso agad ako sa bookstore.



***

Rin's POV

Habang nagpapakasaya ako sa pag-inom ng binili kong milkshake ay may nahagip ang dalawang maliit kong mata. Maliit man ito pero hindi ako maaring magkamali sa nakita ko. Dali-dali ko siyang sinundan ng patago. Sa suot niya ngayon, mukhang galing pa siya sa school at hindi pa umuuwi. Hindi ko alam kung bakit napakasimple lang ng uniform ng mga lalaki sa school pero kapag siya ang nag-suot ay mapapanga-nga ka na lang talaga. Bagay sa kanya.



Di tulad ng mga kaibigan niya, hindi ganun kabad-ass si Shin. He's not the type of boy na makikipagbasag-ulo mas pipiliin niya pang mag-sulat, magbasa at mag-gitara. Yeah, he's one of the member of the oh-so-famous band sa campus, 'Black Voice'. Pano ko nalaman ang mga ito? Ako na yata ang dakilang stalker ni Shin Scott.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon