Chapter 25

82 11 0
                                    

Chapter 25: How to disappear completely?
"What if I'm not an Angel?"
Wea's Day: 15 due to Shin's use of power to save Wea.

Wea Angelic's Point of View

Ewan ko kung may papatunguhan pa 'to.

Here I am, of course, still following him wherever he goes. 'Yon na nga talaga ang gawain ko sa buong buhay ko or should I say sa buong panahon na nag-eexist ako.

"Ethan ano ba, kausapin mo na kasi ako."

"Why would I?", matipid na sagot niya habang kinukuha ang susi ng sasakyan niya.

"Eh kasi mali 'yong iniisip mo.", sagot ko. Lumingon siya na naguguluhan. "Mali 'yong nakita mo sa Ospital. Shin and I were—"

"You know what? I don't care. All I want to do now is to go to any place where I can't see you."

Naglakad siya palabas at isinarado ng malakas ang pinto. Napaupo na lang ako sa sofa at napapikit. Why he's always like that?

Napadilat ako no'ng may naramdaman akong umupo sa tabi ko.

"Worried?", aniya.

"No."

"You only have 15 days. Aware of that?",hinawakan ko 'yong kwintas ko at binuksan 'yon. May nakasulat na 15 sa loob no'n.

"Yes.", tipid kong sagot at ngumiti sa kanya.

"What are your plans now?"

"Just enjoy my remaining days because I know I will fail.", tumayo ako. Siguro mas okay na rin talagang mag-enjoy na muna ako. Enough with angel's works. Enough with missions. It's time na isipin ko naman ang sarili ko. Papalabas na ako ng pinto and then naisip ko na isama na lang siya. "Care to join me?"

"Sure",kinuha niya 'yong susi ng kotse niya at lumabas na kasabay ko. Good thing is laging nandiyan si Shin. Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng pag-sstay ko dito sa lupa kung wala siya. Shin's always there to save me from missery. Buti na nga lang at nalaman ko na magkapatid pala kami although literally na hindi naman talaga, we still know deep in our hearts na magkapatid talaga kami. Tinuturing niya ako like I'm really his sister. Masaya na rin ako na nalaman kong may pamilya pala ako dito sa lupa. Mahirap maging isang anghel, walang natirang kahit kaunting alaala mula sa buhay namin. All our memories got erased. It's part of the process though. Mahirap maging anghel, hindi ito gano'n kadali sa iniisip ng mga tao na kapag namatay ka, anghel ka na agad. That was so wrong.

Huminto ang kotse sa labas ng isang malaking bahay. Binuksan ng Guard ang gate at tumambad sa paningin ko ang karangyaan. Sumisigaw ng karangyaan ang paligid. Lumabas kami ng kotse at dumiretso sa bukas na double doors. Pagpasok ko pa lang ay kitang kita ko na ang pagka-moderno ng bahay na kinalakihan ni Shin. I wonder kung naabutan ko bang ganito 'to no'ng bata pa ako at nabubuhay pa ako bilang Selin.

The interior design makes my mouth forms an O. Umakyat si Shin sa malaking hagdan. Iginala ko muna ang paningin ko sa bahay. Ang laki laki nito. This house is big for three people. Siguro naman may mga kasama rin silang kasambahay and speaking of kasambahay.

"Ma'am, ano po gusto niyong drinks?", sabi ng isang kasambahay yata nila. Medyo may katandaan na ito at tinignan ako ng mabuti sa mata.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon