Chapter 11: Her Mission
Wea Angelic's POV
Hawak ko yung libro ngayon, habang binubuklat ang bawat pahina nito ay di maiwasang bumalik sa ala-ala ko nung mga panahong binabasahan si Ethan ng mommy niya ng story. Yung mga ngiti ni Ethan na di niya na naipapakita ngayon. Habang binubuklat iyon, napansin kong may naka-ipit na kung ano dun sa susunod na pahina kaya dali-dali ko tong binuklat. Isa itong litrato. Litrato ng isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa edad 20+ pa lamang. Pinakatitigan ko yung litrato, at teka, parang mommy ni Ethan to ah? Mahal na mahal talaga ni Ethan ang mommy niya, pero sa tingin ko, napaka-importante din nitong litratong 'to kasi naka-ipit ito sa paborito niyang libro. At isa pa, siguradong mahalaga ito sa kanya dahil litrato ito ng mommy niya.
Pero? Pano ko kaya mababago ang ugali ni Ethan sa pamamagitan nitong librong 'to? Hmm, sa tingin ko, baka kapag nakita niya itong libro at yung picture, maalala niya ang mommy niya at yun ang makakapag-pabalik sa dati niyang ugali. Nilapag ko muna yung libro sa may lamesita sa gilid ng kama ko. Napansin ko naman yung libro ni Shin, hindi ko pa pala naibabalik to. Tumayo ako at kinuha iyon. Lumakad naman ako palabas ng kwarto. Paglabas ko, nandoon si Shin na nanonood ng Tv. Inabot ko sa kanya yung libro niyang 'The Hunger Games' ng tahimik. Napansin ko kasing mukhang naiinis na si Ethan sa pagiging maingay ko, kaya kahapon, sinimulan ko ng tumahimik.
"Nasayo pala to?" kinuha naman ni Shin yun at binuklat to.
"Ah hehe, matagal mo na bang hinahanap Shin? Pasensya na kung ngayon ko lang naibalik" ngumiti lang siya sa akin at itinabi yung libro.
"Gusto mong sumama?" nakangiting tanong niya. Bakit ang bilis yatang magbago ng ekspresyon nitong si Shin? Minsan napakatahimik, minsan naman napakadaldal at palangiti.
"Huh? Saan?"
"Sa Mall" walang gana naman niyang sagot.
"Sige!!" sumunod naman ako kay Shin palabas ng bahay. Naglakad lang kami papunta sa may sakayan, pagkatapos ay pumara na siya ng sasakyan at sumakay kami doon. Mga ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa mall. Pangalawang beses na ako nakapunta sa mall ngayon bilang tao. Una ay yung kasama ko si Ethan at ngayon naman ay kasama ko si Shin. Nakakapunta naman ako ng mall dati, bilang guardian angel ni Ethan na sinusundan siya tuwing namamasyal sila ng pamilya niya. Pero iba yung feeling kapag tao ka at namamasyal ka sa mall, ang saya at ang sarap sa pakiramdam, haha.
Naglakad naman kami ni Shin, hanggang sa makarating nanaman kami doon. Doon sa hagdan na tumataas para makapunta sa ikalawang palapag ng mall. Humawak ako sa damit ni Shin kaya napahinto siya.
"A-ayokong sasakay jan,Shin"
***
Shin's POV
Habang papalapit kami sa escalator, naramdaman ko ang pagbagal ng lakad ni Wea. Kumapit naman siya sa damit ko kaya napahinto ako at lumingon sa kanya.
"A-ayokong sumakay jan,Shin" sabi niya ng may takot.
"Huh? Bakit?"
"Ah basta, ayoko jan. Nung nakaraang sakay ko kasi jan, muntik na akong mahulog" napansin ko namang natatakot nga talaga siya kaya naman naglakad ulit kami papunta naman sa elevator.
"Oh ayan. Dito na lang tayo sasakay" ngumiti naman siya pagkasabi ko non. Bumukas naman yung pinto ng elevator kaya pumasok na ako. Dahan dahan at may takot pa ring humakbang si Wea papasok dito. Pagkatapos, ay nagsara na ang pinto ng elevator. Bigla naman itong umandar pataas na naging dahilan para mawalan ng balance si Wea at mapakapit sa akin. Ramdam ko ang takot niya pero unti-unti din itong nawala sa dahan dahang pag-taas ng elevator.
BINABASA MO ANG
She's My Guardian Angel (ON-GOING)
FantasyGabriel Ethan Lim. A name that will surely ruin you if you choose to stay with him. She's My Guardian Angel Year started: 2014 Written by: TINKERELLE (DEY)