Chapter 1: Bad as hell
Gabriel Ethan's POV
"Bro,mamayang uwian ah?" bulong ni Justin sa akin na nasa kabilang upuan. I don't do idiot things, I only do cool things. At bago pa ang uwian, kailangan munang maalala ni tanda hanggang sa pagtulog niya ang gagawin ko ngayong araw.
"Bro, gusto mo bang mag-uwian agad?", lumingon si Justin sa akin at ngumiti. This is it. We're going to do cool as heaven things.
"I'm at your back bro!" he gives me a devilish smile. Ako nanaman ang gagawa, dahil hindi ako maki-kick-out sa school na 'to. Yeah, I have the power, dahil si dad ang may pinakamalaking share sa school na 'to. Hindi ako takot sa dean, sa mga teachers, dahil di nila ako kayang tanggalin. Tss, what a boring life! Wala man lang kayang lumaban sa akin.
"Mr. Lim!! What are you doing? hindi ka nanaman nakikinig sa klase ko", except this no hair-teacher. Siya lang ang teacher na may lakas ng loob suwayin ako, wala eh, baguhan dito sa school.
"Easy Gomez. Masyado kang highblood eh kaya nakakalbo ka. Tatanda ka kaagad niyan", sabi ko kay Sir Gomez. He gives me a deathly glare. Woah! Para namang mapapatay niya ako sa tingin niya. Wala na siyang nagawa kundi ipagpatuloy ang discussion pero bago yun ay nagsalita si Lance na nagpatawa sa buong klase.
"Anong tatanda agad? Dati ng matanda yan." sigaw ni Lance.
"WAHAHAHAHAHAHAH" nagtawanan ang buong klase habang nakatingin ng masama sa amin si Gomez. Tumingin ako kay Sir Gomez at- di ko mapigilang matawa, kahit si Leonardo Da Vinci hindi maipipinta ang mukha niya.
"HAHAHAHAHAHAH~" tuloy pa din ang tawa ng iba naming kaklase.
"SILENCE!", he shout at the top of his lungs. Annoying voice,tss. Inayos ni Gomez ang damit niya at nagsalita ulit. "Mr. Lim and Mr. Lopez" nakangiti pero may inis na sabi niya.
"GET OUT OF THIS ROOM NOW!" nangibabaw sa apat na sulok ng room ang boses niya. Nauna akong tumayo.
"You don't need to tell us to get out. Lalabas talaga kami. Boring ng subject mo eh", sabi ko habang naglalakad.
"Bye Sir! Ingatan ang harthart!!", sigaw ni Lance bago lumabas. Nagtawanan ulit ang buong klase. Hindi pa natatapos dun ang lahat, para masabing uwian na talaga, pinindot ko yung fire alarm. Umalingawngaw ang tunong nito sa buong second floor. Agad na lumabas ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom.
"MR. LIM!", tumakbo na ako bago pa ako maabutan ni Gomez.
"P*ta! Wahahahahah, ang hahahah epic ng mukha ni sir, Tol." tawang-tawa na sabi ni Lance.
"Tss, alam ko, nakita ko. Hindi naman ako bulag." sabi ko. Sumandal ako sa pader at kinuha ang cellphone at earphone ko sa bulsa.
"Dakilang Bipolar, Gabriel Ethan Lim. Kanina lang tawa ka ng tawa ngayon parang wala ka nanaman paki-alam sa mundo, tol. Tss, hindi talaga kita ma-gets" sabi ni Lance. Siguradong makakarating nanaman kay Dad 'tong ginawa ko ngayong araw. Tss, bakit ko ba iniisip? No one really cares about me except her.
Nagulo na ang mga klase sa ginawa namin kaya maaga ang uwian ngayon. Hinintay na lang namin ni Lance si Shin at Justin para sa plano namin dun sa classmate naming nerd.
Siya ay si Nico Dizon. Top 1 sa class namin, we call him Nerdy Boy. Isa siyang mala-Jose Rizal na lalaki. May baduy na salamin, braces at ang buhok ay parang dinilaan ng sampung kalabaw. Bakit namin siya gustong madagdag sa koleksyon namin? Simple lang, hindi nagpakopya nung exam. Tss, matapang eh, di niya yata kilala ang mga binabangga niya. Tss, transferee nga naman.
Dali-dali kaming pumunta ni Lance sa room. Saktong pagtapat namin sa pinto ay palabas na si Shin at Justin.
"Ohh, ano mga tol? Anong gagawin natin kay Harry Potter?" tanong ni Lance habang nakangiti sa mga babaeng nadadaanan namin. Naglalakad kami ngayon sa corridor kaya agad namang tumabi ang mga bwisit na nakaharang. Tama lang, alam nila kung saan nila ilulugar ang mga sarili nila.
BINABASA MO ANG
She's My Guardian Angel (ON-GOING)
FantasyGabriel Ethan Lim. A name that will surely ruin you if you choose to stay with him. She's My Guardian Angel Year started: 2014 Written by: TINKERELLE (DEY)