Chapter 5

280 37 2
                                    

Chapter 5: Letter

Gabriel Ethan's POV

*knock* *knock*

Arrghh.. eto ang ayaw ko ehh. Sabado ngayon.

Time Check : 7:00 a.m

Humiga ulit ako. Gusto ko pang matulog. Sino nanaman ba yang kumakatok na yan?

*knock* *knock*

"Sino ba yan? Ano ba? Ang aga aga ehh!!! " sabi ko.

"Gabriel !! Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa lumalabas ng kwarto mo!! You better pray " sabi ni- hinde pwede, bakit nandito siya?

"ISA" sabi niya. Grr,eto ang ayaw ko ehh.

"DALAWA!!" bilis bilis naman akong tumayo at binuksan agad yung pinto ng kwarto ko.

"TAT-" sabi niya

"Eto na nga oh, psh! Anong kailangan mo?" tanong ko. Buti na lang hindi niya pa nabanggit yung "Tatlo" . Kung nabanggit niya yun.. haaay, ewan ko sa matandang to.

"How are you my dear son?" tanong niya. Tss, ang bakla.

"Dad, Ano bang kailangan mo? Inaantok pa ako. Bilisan mo na! " sabi ko.

"Kailangan ko? Madami. Pero sa tingin ko, kailangan mo munang ipaliwanang kung sino yung babaeng yun? " sabi ni Dad.

"Ahh . Si Wea. Basta! mahabang kwento, katulong namin siya" sabi ko.

"Kailan ko sinabi na kumuha ka ng katulong, Gabriel !!? "sabi ni Dad.

Ayaw niya kasing kumuha kami ng katulong. Gusto niyang matuto kami ng mga gawaing bahay. Tss, kahit parents ni Shin, ayaw ding kumuha ng katulong.

"Tss,ewan"

Bumaba naman ako at pumunta sa kitchen. Sumunod pa din sa akin si Dad. Lumapit naman si Wea kay Dad.

"Hello po! Kayo po yung Daddy ni Ethan? " sabi ni Wea.

"Yes hija! Bakit nandito ka ?" sabi ni Dad. Mabait naman si Dad kaso minsan may pagkamakulit at may pagka-isip bata.

"Ahh. Ako po kasi ang Guar-" pinutol ko naman ang sasabihin ni Wea.

"Katulong nga namin siya! "sabi ko kay Tanda.

"Hinde ikaw ang kinakausap ko ,Gabriel . Ano na ulit yung sasabihin mo? Wea? " sabi ni Tanda.

"Ahh, ako po yung Guardian Angel ni Ethan. Nandito po ako kasi kailangan ko po siyang bantayan " sabi ni Wea *facepalm* . Napanganga na lang si Dad at biglang...

"Wahahahaha, nakakatuwa ka namang bata ka. Saan ka nga pala nakatira, hija?" tanong ulit ni Dad

"Ahh sa-" ~ wea

"Dito nga siya nakatira!! Obvious naman diba?" sabi ko kay Dad.

"Ethan, ayusin mo naman ang pakikipag-usap mo sa Daddy mo. Tatay mo siya at mas matanda siya sayo. Gumamit ka naman ng po at opo " sabi ng epal na Wea.

"Tss.. blah blah blah.. Ang dami mong alam -_- "

"I like you,hija. Bukod sa nakakatuwa ka. Mukhang mababago mo pa ang ugali nitong anak kong ito" ~ Dad

Ano bang mali sa ugali ko? Wala namang kailangan baguhin ah? Tss, mga tao nga naman.

"By the way, Gabriel kaya ako naparito ay para ibigay tong sulat na galing kay Paula " sabi ni Dad sabay bigay nung isang maliit na envelope. Kinuha ko naman to.

"Oh? Tapos na ba,Dad? Pwede ka ng umuwi. "

"Oo na. Oo na " sabi ni Dad. Naglakad na siya palabas at sumakay ng kotse.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon