Chapter 15- B

140 18 0
                                    

Chapter 15.5 : Melting Hearts (Part 2)

Wea's POV

Mag-iisang oras na naming binabantayan si Shin pero hindi ko pa nakikitang pumunta dito si Ethan. Nasaan na kaya yun?

"Yaya Ellen, saan po kaya pumunta si Ethan? Bakit hindi yata siya dumadalaw kay Shin?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang, kapag malungkot siya ay gusto niyang mapag-isa. Tsaka, ayaw na ayaw niyang makita ang mga taong mahalaga sa kanya na nasa ospital kaya siguro hindi niya pa dinadalaw si Shin." sagot ni Yaya Ellen.

Kailangan kong hanapin si Ethan. Tumayo ako at inayos ang damit ko. Tinignan ko muna kung dala ko yung libro at yung laruang kotse sa bag ko tsaka ako naglakad.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Yaya Ellen.

"Hahanapin ko po siya" sagot ko.

"Pero-" ngumiti lang ako kay Yaya Ellen at sinarado ang pinto. Tinanggal ko ang kwintas ko at inilagay ko yun sa palad ko.

"Sana makita ko si Ethan" bulong ko sa sarili ko. Nagsimula na akong maglakad. Nasa tapat na ako ng elevator ng maisip kong nakakahilo sumakay doon. Pero kailangan kong sumakay. Kaso kapag sumakay ako mahihilo ako. Arrrgh! Ang gulo. Naglakad na lang ulit ako at piniling humanap na muna ng hagdan. Sa bandang dulo ay may nakita din akong hagdan sa wakas. Bilis bilis akong naglakad papunta doon kaso nung malapit na ako ay saka ko lang napansin na wala palang pababa, pataas lang yung hagdan.

Wala na akong nagawa kundi ang umakyat sa hagdan. Naisip ko kasing maaring may iba pang hagdan sa susunod na palapag. Binilisan ko ang pag-akyat ko hanggang sa makarating ako sa taas. Isang malawak na palapag ang bumungad sa akin, kitang-kita ko din ang langit at yung ibang building. Inilibot ko ang tingin ko hanggang sa mapatingin ako sa isang lalaking nakatalikod. Lumapit ako sa kanya.

"Ethan" napaharap siya sa akin pagkasabi ko non. Isang masama na tingin ang ibinigay niya sa akin. Nakakatakot siya ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi niya ng may nakakatakot na boses. Tumingin siya sa'kin ng diretso kaya napalunok na lang ako.

"Ehh-"

"Sinabi ko bang sundan mo 'ko?" tanong niya ng may malamig na boses.

"Ethan nandito ako kase-"

"WALA AKONG PAKI-ALAM!" sigaw niya. "Leave me alone"

"Pero-"

"HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?" sigaw niya ulit. "What the f*ck? Wea, gumulo ang buhay ko nung dumating ka! I dont care even if you are my angel. I don't need a gurdian! I don't need an angel!! I don't need you! So please, leave my hell life alone!!" sabi niya. Hindi na ako nakasagot, wala na akong nagawa kundi ang tignan na lang siya. Hindi ko maikilos ang mga paa ko.

"Ano pang tinatayo-tayo mo? Umalis ka na! Wala akong panahon makipagbaliwan sayo. Kahit anong gawin mo, hindi mo mababago ang ugali ko. Kahit anong gawin mo, hinding-hindi ako maniniwalang anghel ka. Kaya kung nakakaintindi ka, UMALIS KA NA SA BUHAY KO!!" sigaw niya. Lumapit ako sa kanya kaya mas lalong sumama ang tingin niya.

"Patapusin mo muna sana 'tong sasabihin ko" sagot ko. Huminga ako ng malalim bago ako magsalita. "Sorry kung nagulo ko ang buhay mo. Sorry kung ako ang naging dahilan kung bakit nasa ospital ngayon ang bestfriend mo. Bago ako umalis, gusto ko muna sana ibigay 'to sayo" kinuha ko yung libro at yung laruang kotse sa bag ko para iabot ito sa kanya.

"Sorry kung pinakialaman ko yang mga yan. Naisip ko kasi na baka makatulong yan para mabago-"

"Sorry? Nagpapatawa ka! Sa tingin mo Wea, mapapagaling ba ng sorry mo yung bestfriend ko?" sabi ni Ethan habang nakakuyom yung mga palad niya. Tumingin siya sa'kin ng diretso at ipinagpatuloy ang sasabihin niya. "Hanggang kailan ko ba sasabihin sayo na huwag mong papakialaman ang mga gamit ko?"

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon