Special Chapter 3: Best Day of My Life

2.9K 69 118
                                    

"See you Baby Z!" I heard his happy voice over the phone. Halos nakikita ko yung malapad na ngiti niya at I have to admit na excited na rin akong makita siya. Ipinadala ako sa West Philippine Sea ng agency para magmanman sa pagtatayo ng China ng structures sa Mischief Reef at marami akong nakalap na impormasyon. It's been almost two weeks since we saw each other at na-mi-miss ko na ang palaka ko.

Anak ng tinapa? Palaka ko? Ako, inaangkin ang isang palaka?

Narinig ko ang tunog ng chopper at naghanda na ako. Isinukbit ko na yung backpack ko at sinecure ang iba ko pang luggage.

"Kailan po kayo babalik ma'am?" Magalang na tanong sa akin ng isa sa mga sundalong nakasama ko. I have to give it to them, minsan sa isang taon lang sila makakita ng ibang tao na bumibisita sa mga isla na ito pero matibay ang dibdib nila sa homesickness.

"Di ko pa alam kuya eh, pero salamat po." Sumaludo siya sa akin. "Mauuna na po ako."

"Salamat din po."

"Balik po kayo!" Sigaw ng isa pang sundalo.

Ilang sandali pa ay puro malakas na tunog na ng chopper ang naririnig at malakas ang hangin na tumatama sa mukha ko galing sa propeller blades nito. Isang hagdang gawa sa lubid ang ibinaba nila para ako ay makaakyat.

Sa wakas, makikita ko na ang Adam ko.


———



"Prince anong oras ka uuwi?" Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam kong naglalambing na naman si Goddess. Ilang gabi na rin kasi kaming nag-O-OT sa opisina dahil sa malaking project na pumasok.

"Uuwi ako nang maaga, promise." I can picture her cute, little pout. Hay, kung alam niya lang kung gaano ka-torture sa akin na mag-stay dito sa office. Niloloko na nga ako nila Kuya Alphonse na para daw sinisilihan ang puwet ko kapag alas-singko na.

"Sinabi mo rin 'yan kahapon eh." Nagtatampo na talaga ang baby ko. Kagabi nakatulog na siya sa sofa kakahintay sa akin.

"Promise babawi ako sa'yo." I clicked on the render button para magsimulang ma-render yung final touches ng plano na ginawa ko. "Sorry na baby ko. I love you."

"Sir Prince, here's your coffee." Biglang pasok si Kara na bagong secretary namin. Inilapag niya ang mainit na kape sa gilid ng lamesa ko at ngumiti sa akin.

I mouthed a 'thank you' to her before I sat back on my chair. "Baby 'wag ka na magtampo. Mamaya mag-prepare ka. Kakain tayo sa labas."

"Promise?" Parang batang tanong ni Aya.

"Yes." I took a sip of the hot coffee. "Miss na miss din naman kita eh. Kamusta class mo?" I checked on the progress of my work and saw that it wasn't even halfway done. Good. More time for my Goddess.

"Okay lang. Thesis na lang kulang ko." I heard her sigh deeply. "May trip kami to an indigenous community in Palawan." Napaubo ako sa kapeng iniinom ko.

"Ha? Kailan?"

"In two weeks."

"Gaano katagal?" Di pa man siya umaalis na-mi-miss ko na. Ayokong hindi ko nakikita si Goddess kahit isang beses sa buong araw. Call it cheesy pero ganoon ko kamahal ang asawa ko.

"One week lang naman." Napabuntong-hininga na naman siya. "Lapit na uwian. Uuwi ka na?"

"Konti na lang. Malapit na matapos yung work ko." I turned to my monitor and saw seventy percent on the bar. "Seventy percent."

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon