Chapter 36: Wants and Needs

4.7K 96 110
                                    

Chapter 36: Wants and Needs (warning: Sweetness Overload)

"Mama okay na nga po ako," I tried to pacify my mom to no avail. Hay naku ito ang nakakabwisit sa pagiging only child, yung mama ko parang namatay na ako kung maka-atungal. Tuloy nung bata pa ako lagi akong inaasar ng ibang bata dahil lagi siyang nakabantay at napagkakamalan akong 'Mama's Boy'.

"Ang sabi ko sa'yo umuwi ka nang maaga... tingnan mo ang nangyari?!" she wailed louder and I cringed. Itinago nung  nurse yung paghagikhik niya sa likod ng clipboard pero halata pa ring pinagtatawanan niya kami kasi nanginginig yung balikat niya at pataas-baba pa. Shet, nakakahiya talaga.

"Francis Christopher Villanueva kailan ka pa naging matigas ang ulo? Porke college ka na hindi ka na nakikinig sa akin," Hay naku, ang drama talaga ni Mama. Kaya ako lalong hindi makapanligaw paano wagas siya sa kababantay. Buti na lang talaga at matagal na niyang kakilala si Sab at magkasundo ang kakikayan nila, kung hindi... ayokong isipin.

Awkward.

"Mama akala ko ba may pupuntahan kayong project presentation? Ma-la-late po kayo," I reminded her. Okay, tinataboy ko na siya pero talagang sobrang nahihiya ako sa pamba-baby ni mama sa akin.

"Nagsabi na ako sa secretary ko na ma-la-late ako. Besides, mas importante ang baby boy ko," She pinched my cheek and I winced inwardly. Shet, ginagawa talaga akong baby nitong nanay ko.

"Mama!" I scolded her and she frowned at me.

"Ma'am, pwede na po siyang lumabas bukas," The nurse interrupted and I thanked the heavens kasi na-distract niya si Mama. I closed my eyes and made myself comfortable on the hospital bed. Well as comfortable as I can. Narinig kong bumukas ang pinto and I assumed that was the nurse when I felt someone kiss my cheek. I opened one eye and saw Sab grinning cheekily at me.

"Good morning Kiko," nakangiting bati niya at biglang nagising lahat ng senses ko. Yes, thank you God, kumpleto na po ang araw ko.   

"Good morning mahal ko," I grinned as I reached for her and saw her wrinkle her nose.

"What the heck Kiko? Mahal ko talaga? Kaloka." She chuckled and I frowned. She rounded to the other side of the bed and kissed my mom on the cheek. "Hi Tita Jackie," she greeted mama at napatingin si mama sa kanya, tapos sa akin.

 "May na-miss ba ako?" Mama frowned at us while her gaze went back and forth, "mahal ko?" She reiterated and I blushed.

"Ma, kasi... ano po..." Napaupo si Mama na tutop ang dibdib. Aww.. syet hindi ko pa nga pala nasasabi. Paano ba naman na-ospital na ako agad, first day pa lang namin.

Nagulat ako ng tumili siya at niyakap si Sab. Ohkaaay... Grabe talaga ang mga babae.

"FINALLY! Ohmaygahd ka anak hindi mo man lang sinabi kay Mama? Nagtatampo na 'ko sa'yo, nagka-girlfriend ka lang tapos nakalimutan mo na agad ako. Naku binata na ang baby boy ko! Ano, kelan pa naging kayo? Alam mo ba Sabrina na ang tagal ka ng crush niyang anak ko? Naku, naku sabi ko na kayo talaga ang bagay!" Tuloy-tuloy siyang magsalita at nag-blu-blush na kami ni Sab. Okay, ako na ang may nanay na mala-armalite ang bunganga.

"Tita hinay-hinay lang po!" Sab had an amused smile playing on her lips and I couldn't help but sigh.

"Naku, naku tiyak na ang gaganda at gwa-gwapo ng mga apo ko. At matatalino syempre. Naku Sab, pagpasensyahan mo yang si Kiko ha. Kapag hindi maayos sabihin mo sa akin at ako ang kukurot sa singit niyan," Shet mama, tama na po! Gusto ko nang matunaw sa kahihiyan at si Sab naman ay tumatawa pa.

Mahal ko, natutuwa ka na napapahiya ako?

"Wag po kayong mag-alala tita, mabait po si Kiko." Good. At least hindi ako nilaglag ng mahal ko.

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon