Chapter 48: I Non Relinquam Vos

2.2K 87 90
                                    

Chapter 48: I Non Relinquam Vos (I Will Not Leave You)

Warning: Intense, violent scenes ahead. Read at your own risk.

"PRINCE! Bitiwan niyo koo!" Sinubukan kong makawala sa mahigpit na pagkahawak sa akin pero sadyang malakas yung lalaking bigla na lamang akong hinapit sa baywang at inipit ang isang braso ko. Nagpumiglas ako at tinamaan ko ng siko ang ilong niya kaya saglit niya akong nabitawan. Tatakbo sana ako pero biglang may muling humatak sa buhok ko at nahila ako pabalik.

"Saan ka pupunta? 'T*ngina pumapalag ka pa!" Malakas yung pagkasabunot niya at napahiyaw ako sa sakit.

"Bitiwan niyo ko! Prince! Kuya!" Duguan ang ulo ni Prince sa tinamo niyang sugat sa ulo. Hinampas ang likod ng ulo niya ng isa sa mga goons na tumambang sa amin.

"Tumigil ka! Walang makakarinig sa'yo dito!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Naramdaman kong kinakaladkad nila ako papunta sa sarili kong kotse.

"Anong gagawin niyo sa'min?" Pinilit kong manlaban pero tumawa lang yung lalaking may hawak sa akin saka hinawakan ang aking dibdib! "BITIWAN MO KO! Parang awa niyo na!" Patuloy ang ginagawa niyang pambabastos sa akin. Pati sa hita ko ay naramdaman kong may humawak din.

"Shet, pare ang kinis niyan,"  Ngisi nung isa pa nilang kasama na nakahawak sa hita ko at pinipisil-pisil ito. Pilit kong inilalayo ang sarili ko pero humihigpit lalo ang hawak nila. "Pwede ba natin 'tong tikman?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"K-kuya, please wag po," ramdam ko ang sakit sa katawan ko. Alam kong may pasa na ako sa pisngi, hita at mga braso.

"'T*ngna kayo!" Sinapak nung pinakalider yung dalawang manyak na kasama niya, "lagot tayo kay boss pag di natin naipalit nang maayos yan. Pera na gagawin niyo pang bato. Tangna, ang lilibog niyo."

Ibinalibag nila ako sa loob ni Shiro. "PASOK!" Itinulak nila ako patungo sa backseat. Nakita ko ang mala-demonyo nilang ngiti. Mga halang ang bituka ng mga ito. Puro sila nakasuot ng bonnet na itim at natatakpan ang lahat maliban sa kanilang mga mata.

"Parang awa niyo na po, pakawalan niyo kami... anong gagawin niyo sa'min?" Pilit kong inaaninag kung anong ginawa nila kay Prince. Nakita kong binuhat siya ng dalawang lalaki at isinakay sa itim na SUV. Wala pa rin siyang malay at nag-aalala ako ng husto. Nakapa ko ang cellphone ko sa upuan bago ako pumasok sa backseat.

"Ang ganda mo miss," sabi nung lalaking sunod na sumuot sa backseat katabi ko. Kinilabutan ako sa ngisi niya. Isiniksik ko ang sarili ko pero inabot niya ako kaya sinipa ko siya.

"'T*ngina, gusto mo masaktan?!" Hinablot niya ang damit ko at nagtanggalan ang mga butones nito sa harap. Hindi ko malaman kung ano uunahin ko, ang takpan ang aking sarili o ang gamitin yung cellphone ko para makahingi ng tulong. Hawak niya ang paa ko at hinila palapit. Muli ko siyang sinipa out of reflex. Napamura ang lalaki at parang mabangis na hayop na sinunggaban ako.

"Ang tapang mo ah. Tignan natin yung tapang mo dito, " pinunit niya ng tuluyan ang damit ko sa harap at nanlaban ako. Solido ko siyang hinampas sa sentido ng corner ng cellphone ko at napahiyaw siya sa sakit. Agad kong pinindot ang last number dialled bago isiniksik ang phone ko sa siwang ng backseat para hindi nila makita. "SH*T, t*ngina ka!"

"Kuyaaa! Tulungan niyo po ako, kuya!" Hinablot niya ako at tinakpan ang aking bunganga habang patuloy na hinuhubad ang aking pang-itaas. Kinagat ko siya ng mariin at muli siyang napahiyaw. Isang malakas na sapak ang naramdaman ko at napilig ang aking ulo.

Lord, tulungan niyo po kami...

Nagsisimula ng magdilim ang aking paningin at nararamdaman kong nauubusan na ako ng lakas para manlaban.

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon