Chapter 19: Do Not Go Gentle Unto That Good Night

4.9K 107 69
                                    

Chapter 19: Do Not Go Gentle Unto That Good Night

"Kiko kausapin mo naman ako," Hindi ako sanay na hindi ako kinakausap ni Kiko. Buong umaga hinihintay ko na lumapit siya sa'kin pero nagkulong lang siya dito sa kwarto nila. Ang labo naman kasi ng tao na 'to.

"Mamaya na Sab, parang binibiyak pa yung ulo ko," he groaned from beneath his comforter. Nilapitan ko nga at hinila yung nakatakip sa kanya.

"Sino ba kasi nagsabi sa'yo na uminom ka?" I chided him as I placed a steaming cup of coffee beside the bed, "Inom ka muna kape para mawala yan."

"Damn it woman, hindi ka ba nakakaintindi? Wag mo muna akong kausapin. Hindi ako okay. HINDI TAYO OKAY!" He sat up so suddenly from the bed and I was taken aback. Muntik na akong mahulog sa kama sa sobrang gulat. Teka muna, sinisigawan niya ako? Concerned lang naman ako sa kanya eh. Bwisit na Kiko 'to!

"Nakakainis ka, ang labo mo!" Singhal ko sa kanya. Tumayo siya sa kama at nagtuloy sa banyo.

"Ikaw ang malabo, hindi ka makaintindi!" he hollered back at naasar ako kaya sinundan ko nga. Buti at bukas naman yung pinto at nakita kong naghihilamos siya ng malamig na tubig.

"Kiko Villanueva bwisit ka, wag mo kong tinatalikuran!" Nanggagalaiti na ako sa galit. First time na tinaasan ako ng boses ng kumag na ito!

"Sabrina Althea Arroyo manhid ka!" Tinitigan niya yung reflection ko sa salamin ng sink. Oh, shit...

May kumatok sa pinto,"S-Sasama ba kayo sa spelunking?" tanong ni Kuya Adam at sabay kaming sumagot na dalawa.

"HINDE!"

"Okay, nagtatanong lang naman eh. Grabe ang init ng ulo niyo," nakangisi ito, "Ayusin niyo na kasi yang LQ niyo."

"LQ? Nababaliw na 'ata 'tong si Kuya," I murmured. "Panong magkaka-LQ eh hindi naman kami."

Lumabas na si Kiko sa banyo at naupo sa kama,"Sab pwede ba, umalis ka muna dito sa kwarto? Pabayaan mo munang magluksa ako." He picked up the cup of coffee that I prepared and took a sip.

Nilapitan ko siya at naupo sa lapag paharap sa kanya, "Kiko, ano bang problema mo? Bigla na lang kung ano-anong sinasabi mo?" I paused, "Umamin ka nga, nag-we-weed ka ba?"

"What the hell?" Nagsalubong ang kilay niya.

"Uso yun dito sa Sagada di ba? Ano, yung totoo lang?" I tried to smile at him kasi naman nitong mga nakaraang araw parang sobrang tensyonado na kami.

"Sab, mukha ba akong adik sa'yo? Yung totoo?" His eyes were closed and he was pinching the bridge of his nose. Uh-oh, mag-be-beast-mode na si Kiko. Ganito siya pag nagagalit.

"Eh hindi ko na kasi ma-explain yung mga sinasabi mo." I pouted, "Uy, Kiko..." Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso.

"What's there to explain Sab? Gets ko naman eh," he groaned, "Hindi ako ang type mo. Now will you please get out of this room?"

Tumayo na ako sa lapag,"Ano 'to Kiko? Nagising ka na lang na may feelings ka pala sa'kin? Ang sakit mo naman sa bangs eh," Naihilamos ko sa mukha ko ang aking mga kamay.

"Matagal na kitang gusto, since elem pa tayo. Ikaw lang naman ang laging may umaaligid na iba." He said in a broken voice, "Ano naman ang panama ko sa mga bino-boyfriend mo? Puro varsity, campus heartthrobs... 'Tangina, Sab." Tumulo yung luha niya at pakiramdam ko nadudurog din ang puso ko. Inabot ko yung kape sa kanya at inilapag ito muli sa side table.

"Bwisit ka Kiko," I whispered as I gathered him in my arms and let him soak my shirt with his tears. His familiar arms came around me and I wondered: Should I give him a chance?

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon