Special Chapter 2: Crash, Bang! Bang! Part 2

2.1K 58 46
                                    

Special Chapter: Crash! Bang! Bang! Part 2

"Fudge..." I cursed softly. Hindi ko na halos maramdaman yung mga muscles ko sa kamay. Magbabayad talaga ng malaki si Nathan.

"I told you I should have run him over," I heard Jace speak over my head. "Drink." I felt her nudge my lips with something cold and sweet. I eagerly accepted the energy drink.

Potatoes. Ibabaon ko ng buhay si Nathan pag nagkita ulit kami. Hindi biro ang magbalat ng isang container van na patatas. Tatlong araw at gabi akong naghirap at naubos na lahat ng kuko ko sa kababalat.

"I'll haul these to the kitchens, go take a bath." She nudged me with a booted foot.

"Nooo..." I groaned in protest. Komportable na ako dito sa lapag. I don't think I can move another muscle. 

"Dali, ang baho mo na."I heard Red speak before I shrieked when I felt her dump a bucket of ice-cold water on me.

"This is epic. May potato party tayo!" Rin said enthusiastically habang pinapala yung mga patatas at parang gusto ko siyang gamitin na target bunny. Ayoko nang makakita ng patatas. Like ever. I glared at Rin and she gulped. "Ah, eh sabi ni Jaguar iluluto daw itong mga patatas tapos may feeding program tayo sa street children. Erm." She said in a very small voice.

"Tayo na Jem. May training schedule ka pa with the newbies mamaya." Trixie reminded me. Ghad, ayoko na!

"Baka mamaya dalawang container van na ipabalat niya sa'yo." Yhona said at bigla akong napabalikwas. No! Definitely no!

"Why, Jaguar, why?" Alam kong ang OA lang pero napapaiyak talaga ako. Sana pinadala na lang niya ako sa Chechnya or sa Gaza Strip para makipagbakbakan sa rebel troops, mas ma-u-utilize ko pa ang skills ko. Ngayon I feel like may Phd na ako sa pagbabalat ng patatas. Buti sana kung pwede kong ilagay sa resume ko yun.  

"Okay, bilisan na natin para madala na 'to lahat sa kitchen. Let's go agents!" I stood up slowly. Sila Trixie na ang bahala sa pagluluto ng potatoes. Shucks, di ko talaga maramdaman ang mga kamay ko. Siguro ang pangit na nila. Kailangan ko silang ibabad sa isang batyang skin softener ng magdamag. Pang-construction worker na ang fingers ko. Sobrang bagal kong binagtas ang hallway papunta sa kwarto ko para kumuha ng damit.

"Visitor for Agent Jem in the lobby. Visitor for agent Jem in the lobby." Gosh, kailangan ko pa gumapang papunta sa banyo. Sino naman kaya ito?

Pumikit ako at naghikab. Gusto ko na matulog. Hindi mabaho na ako, kailangan ko muna mag-shower!

Umulit na naman yung PA system. "Just a minute." I hauled myself to the bathroom at naligo in record time. Sino naman kaya 'to? Wala akong maalala na meeting ngayon. Halos hindi ako nakapagsuklay kakamadali. Bwisit.

"You gotta be kidding me." Hindi ako makapaniwala pagdating ko sa lobby. Ngumiti sa akin yung ipis.

"Hello, shortcake."

 ------------

 "Strawberry shortcake." The waiter placed my order in front of me. I kept the menu over my face as I watched Nathan from the corner of my eye. Dulo pa lang ng buhok niya naaasar na ako.

"I've been talking here for an hour," he remarked drily. I took out moisturizer from my purse and applied it to my poor fingers. Gosh, I badly need to go to the salon. 

"So?" Nakakatuyo ng dugo itong si Nathan. "Are we done? I've already wasted an hour. I badly need sleep and I have very little patience left." I smiled sweetly at him.

"You've been hiding from me for three days." At may gana pa siyang mag-pout? Sungalngalin ko kaya ng Beretta ko?

"I was not hiding." Ibinaba ko na ang menu at nagsimulang kumain. Gosh, napapikit ako. Na-miss ko ang food dito sa Pisces! Simula kasi ng makasal sila Trixie ngayon lang ulit ako bumisita. Di ko kasi keri na maatim na tumambay at makita si Alfredo-baby. 

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon