Chapter 30: I Do Not Love You

4.1K 87 117
                                    

Chapter 30: I do not love you

"Aray naman!" Grabe talaga ang hilig mambatok nitong si Kuya Ali. Napasimangot ako habang siya naman ay nakataas ang kilay sa akin. "Kuya Ali talaga... yung braincells ko ang dami nang namatay sa kakabatok niyo ni Kuya Alfred." I grumbled.

"Puro ka kalokohan. Sabi ko kanina meet-up at pick-up, hindi ko sinabing managasa kayo ng property at tao," he gave his signature deathglare, "muntikan na si baby girl kanina tapos babayaran pa lahat ng nasirang mga tinda dun sa street vendors na inararo niyo ni Edge."

"Mabuti nakatimbre na ito sa NBI at DOJ kaya wala tayong kaso," he pinched the bridge of his nose and stood up. I closed my eyes and yawned. Grabe, nakakapagod ang pakiramdam matapos ang intense na habulan.

I realized I'm grinning like an idiot. Mas masaya 'ata 'to kaysa sa pag-a-arkitekto.

The hell. Our moms would probably flip if they learned what we have been up to. The funny thing is, it felt strangely liberating. I love the fact that I'm working with my brothers like this.

Who would have thought that we'd get past that awkward stage of being step-siblings from ten years ago? Grabe, salamat kay Aya. Until now, she is still the tie that binds us all together.

Naalala ko the first time I saw her when we were kids, sobrang timid niya. Hindi siya palalabas ng bahay at hindi rin nakikisali sa ibang bata kapag naglalaro. She was very quiet at si Ali at Alphonse lang ang nakapapagpangiti sa kanya.

Naawa ako sa kanya, halata ang pagkasabik niya tuwing makakakita ng mga batang mayroong ama. Pakiramdam ko noon, ninakaw namin ni Adam ang chance niya para magkaroon ng tatay. I vowed then na pupunuan namin ni Adam ang mga panahong wala siyang tumatayong ama ng aming pagmamahal at pag-aalala. Si Aya ang pinakaunang tumanggap sa amin bilang kapatid bagamat magkaaway ang mga mama namin.

When our father died, she was the one who made the effort para magkasundo ang magkakapatid. Sa una, ayaw nila na tanggapin kami ni Adam but Aya persisted at ang kakulitan niya ang naging daan para matanggap namin ang isa't-isa. I'll forever love our baby girl for that.

"Here," I cracked open my lids at isang tray na may tatlong Big N' Tasty ang nasa harap ko. Napatingin ako kay Kuya Ali. Kinuha niya yung isa at tinanggal sa box.

Napangiti ako. Hay kuya nagkukunwari ka pang masungit pero alam naman namin ang saltik mo.

---------------------

Napasugod ako agad sa Diliman pagkatapos ng klase ko. Grabe, tinawagan ako ni Sab kanina na humahagulgol at ang tanging naintindihan ko lang sa sinabi niya ay "Kiko", "galit", at "sorry". Sinubukan kong tawagan si Kiko pero mukhang patay ang phone niya.

Hala ka, ano na kayang nangyari sa dalawang yun? Kaninang umaga ang sweet pa nila at sabay-sabay pa kaming nag-breakfast. Grabe, away agad eh mukhang kanina nga lang sila naging sila?

Wait, sila na nga ba?

Arrrgh! Masyado na yata akong na-pre-occupy ng engagement namin ni Prince at hindi ko na nakumusta sila Sab at Kiko. Wala, pakiramdam ko tuloy ang walang kwenta kong kaibigan!

Biglang tumunog ang incoming call alert ng Bluetooth controls ko.

"Prince ko," bati ko kaagad kay Prince, "papunta ako Chocolate Kiss para i-meet si Sab. Please if makita mo naman si Kiko sabihan mo 'ko."

"Kasama ko si Kiko, nagkita kami sa Sunken" he sighed deeply. "Mukhang masama ang loob."

"Anong nangyari? Paka-usap naman ako," Hala, nag-aalala na talaga ako. Bakas sa boses ni Prince na malaki ang problema.

It Started in the Library (Completed and Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon