PROLOGUE
Ang pagiging isang college student ay malaking hamon para sa mga kabataan. Lalo pa't kung ang course na iyong pipiliin ay kailangang paglaanan ng maraming oras at panahon.
Isa sa hamon ng pagiging college student ay ang DEPRESSION and ANXIETY.
Pero may mga estudyante na hindi ito masyadong iniinda o ipinapakita sa mga kapwa nila estudyante dahil takot silang makarinig ng hindi magandang komento.
Magkakaiba man ng pinagdaraanan, iisa lang din naman ang kanilang mithiin. Iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng stable na trabaho na siyang mag-aahon sa kahirapan ng kani-kanilang mga pamilya.
Ngunit hindi lahat ng estudyante ay ganito ang pangarap. Ang iba ay gustong makapagtapos ng pag-aaral upang makamit ang mga bagay na ipinagkait sa kanila.
Kaya handa silang gawin ang lahat upang makatakas sa kalbaryo ng pagiging college student. Mahirap man, pero kakayanin para sa pangarap at para sa kanilang pamilya. Marami mang obstacles, handa silang maging flexible para makarating sa kanilang destinasyon.
They will not be defeated, they will finish strong. They will sacrifice everything to reach their goal as a student.
And as Nelson Mandela said, "Education is the most powerful weapon which you can use to change the world."
~
🖋️author_mj17
BINABASA MO ANG
BATCH 2018
RandomIsang grupo ng mga kalalakihan na may pitong miyembro. Magkaiba ng mga ugali, magkaiba ng gusto. Ngunit iisa lang ang kanilang minimithi, ang makapagtapos ng pag-aaral at sabay-sabay na maging ganap na Engineer. Marami mang pinagdadaanan, ngunit man...