Chapter Eight

1 0 0
                                    

Chapter 8

Kyle's POV

Lahat kami ay naapektuhan na sa problema ni Theo. Naiinis ako sa kanya dahil umaasa lang siya sa amin, umaasa lang siya sa mga magiging desisyon namin para sa kaniya. Isip-bata!

Yes, he's my best friend. Pero sobra na 'tong ginagawa niya. Hindi biro ang ginawa niya, pumatay siya ng tao. At iyon ay tatay pa ng kaibigan niya. Hindi na sana siya nakisali sa problema ng ibang pamilya.

And now, pati kami ay nag-ooverthink na rin.

"Kyle, hindi mo nagagalaw ang pagkain mo. Kanina ka pa nakatitig sa hapag-kainan." I shaked my head. Bigla kong naalala na nasa bahay na pala ako.

Tumingin ako kay Mommy, I sighed so deep.

"Mom, can I ask you something?" saad ko.

"Sure." tugon niya habang nagbabalat ng shrimp.

"Kapag aksidente mong na-patay ang isang tao, makukulong ka pa rin ba?" kabado kong tanong sa kanya.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa. Bigla namang nasamid si Dad na tahimik lang na kumakain.

"What kind of question is that?" inis na saad ni Daddy.

"Bakit? May pinatay ka?" tanong ni Mommy.

"Hell no!" saad ko.

"Kung wala ka namang ginagawang masama, kumain ka na. Huwag na huwag mong pinaghihintay ang pagkain." sabi naman ni Daddy.

Aish! Hindi na kasi dapat ako nagtanong. Napahiya lang tuloy ako. Binilisan ko nang kumain upang maaga rin akong makapag-pahinga. May pasok na naman kami bukas at sigurado rin ako na si Theo na naman ang unang-unang poproblemahin namin.

Paano ba namin sasabihin sa parents namin na may pinatay siya?

Baka pati kaming mga inosente ay madamay.

*****

"Buti nakapasok ka. Okay ka na?" tanong ko kay Theo.

"Pinipilit kong maging okay at normal." walang-ganang tugon niya.

Maya-maya pa ay dumating na si Timothy at Jessica.

"Theo, may good news ako." saad ni Timothy na siyang nagpa-sigla sa mukha ni Theo.

"A-Ano?" tila kabado pa si Theo.

"Gusto kang makausap ni Marjorie, she told me that she wants to comfort you." tugon ni Timothy.

Nagkatinginan kaming lahat.

Talaga?

Yung anak pa ng biktima ang co-comfort sa suspek?

That's incredible! Ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Marjorie? Kung ako ang nasa kalagayan niya, hinding-hindi na ako magpa-pakita kay Theo.

Hindi naman sa galit ako sa kaibigan ko, pero mali lang kasi talaga yung ginawa niya kaya kontra ako sa kanya.

Mali ang makisali sa problema ng ibang pamilya.

"Kausapin mo siya Theo." sabi ni Alex.

Supportive naman ang mga ito sa kaibigan namin kahit alam nilang mali ang pumatay.

"Bago ko makalimutan, after class doon tayo sa bahay namin. Walang pasok si Dad kaya makakausap natin siya." saad naman ni Timothy.

"What? Akala ko ba ayaw mong i-open sa kanya ang problema ni Theo?" irritado kong sabi.

Napatingin silang lahat sa akin.

"May problema ka ba kay Theo? These past few days parang hindi ka agree sa amin." sabi ni Timothy.

Hindi na ako nagsalita. Nagtungo na ako sa classroom, wala na akong pakialam sa kanila. Bahala sila kung ano ang magiging desisyon nila. Okay naman kami noong una, pero dahil sa katangahan ni Theo ay mukhang binabalewala na nila ang mga pangarap namin.

*****

Theo's POV

Ano ba 'tong mga nangyayari?

Kasalanan ko 'to lahat. Pero bakit gusto pa akong makita't makausap ni Marjorie? Hindi ba siya galit sa akin? Paano yung nanay niya? Baka saktan ako ng mga kamag-anak ng tatay niya.

Natatakot ako.

Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos. Laging sumasagi sa aking isip si Tito Charlie. Sobra akong nakokonsensya. Sana matulungan ako ng daddy ni Timothy.

"Nasaan si Marjorie?" I asked Jessica.

"Nasa starbucks siya sa Katipunan. Naghihintay siya doon." tugon niya.

*****

After ng klase ay mabilis kong pinuntahan si Marjorie. Nanginginig ako, kinakabahan at natatakot. Nasa pintuan na ako at natatanaw ko na siya, I sighed so deep.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan.

"M-Marj." utal kong sabi.

Lumingon siya sa akin.

"Theo!" tumayo siya atsaka ako niyakap ng mahigpit.

Umupo kaming dalawa upang makapag-usap ng maayos. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, sobra akong nahihiya sa kaniya.

"First of all, I just want to say I am very sorry for what I have done to your father. Hindi ko intensyon na gawin 'yun sa kanya." kabado kong sabi.

Laking gulat ko nang hawakan ni Marjorie ang aking kanang kamay.

"Wala kang kasalanan. He's barbarous and he deserved that," said Marjorie.

"But he's your father after all." saad ko.

"No. He's not my biological father, kaya huwag kang masyadong mag-alala. Wala rin balak si Mama na kasuhan ka dahil sumosobra na ang lalaking 'yon." saad ni Marjorie.

Masyadong nakakagulat ang mga sinasabi niya sa akin. Kaya pala mas gusto niyang makita ako rather than iyakan ang tatay niya. Pero hindi dapat ako maging kampante kahit hindi ako kakasuhan ng Mama niya.

What if yung mga kamag-anak ng tatay niya ang magsampa ng kaso sa akin?

Kailangan kong maging handa.

"But– I still need to pay back for what happened. Kailangan kong harapin ang parusang nakaabang sa akin." saad ko.

"Walang parusa, Theo. Walang parusa na naghihintay sa 'yo. So please kumalma ka na, everything is fine." sabi ni Marjorie.

Bakit ganun? Although sa kanya na nanggaling na okay ang lahat, ngunit ayaw pa rin kumalma ng isip ko. I can't stop thinking.

Walang kasiguraduhan ang lahat. I should be prepared.

~

🖋author_mj17

BATCH 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon