Chapter 5
Brian Ochoa's POV
Nagulat ako nang biglang tumawag si Kollyn sa akin. Masama ang pakiramdam ni Nathan kaya nauna na itong umuwi at naiwan naman si Kollyn sa dance studio.
As her friend, syempre sasamahan ko siya.
Bakit naman kasi biglang sumama ang pakiramdam ni Nathan? Puro kasi siya sayaw sa kalsada kahit umuulan. Pero sa kabilang banda, masaya rin ako dahil sa wakas ay nagkaroon kami time ni Kollyn.
Just the two of us.
Nakatitig lang ako sa maganda at maamo niyang mukha. Maswerte ang magiging boyfriend niya 'cause she is beautiful inside and out.
"Hey, Brian! Let's dance again." niyaya ako ni Kollyn.
Agad naman akong tumayo upang samahan siya.
"Pwede ba'ng sumali?"
Sabay kaming lumingon ni Kollyn sa pintuan ng studio. Laking gulat ko nang bumungad si Nathan sa amin. Tumakbo naman si Kollyn at hinila siya palapit sa amin.
"Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Okay na ako. Hindi ko hahayaang malungkot si Kollyn." nakangiting tugon ni Nathan.
"Brian, i-video mo ulit kami ni Nathan!" excited namang sabi ni Kollyn habang inaabot sa akin yung camera.
Third wheel na naman ako. Heto lang naman ang role ko sa pagkakaibigan nilang dalawa, ang maging videographer sa bawat dance covers na ginagawa nila.
Marunong din naman ako sumayaw, pero mas close lang talaga si Kollyn kay Nathan.
Bakit ba tila nagagalit ako sa aking mga nakikita?
Masyado akong affected. I should be happy for them, kung ano man ang mayroon sa pagitan nilang dalawa. Because both of them are my best friends.
I focused the camera on Kollyn and I was so stunned by her face. She is so pretty, amazing and kind. Ang swerte ni Nathan dahil siya ang palaging pinipili ni Kollyn.
"Nice try!" Nathan hugged her.
Napapangiti na lang ako.
"Thank you, Brian." tumingin si Kollyn sa akin.
"Saan ninyo gustong kumain?" tanong ni Nathan sa amin.
"Kahit saan." walang gana kong tugon.
"Mukhang masarap kumain ng fishballs and kwek-kwek ngayon." saad naman ni Kollyn.
Sabay-sabay kaming umalis. And as usual, parati na naman akong nakasunod sa kanilang dalawa. Ano ba ako rito? Bakit pa ako nandito? Mas maganda siguro kung umalis na lang ako.
Sasakay na sana ako ngunit may humawak sa aking braso.
"Hindi ka sasama?" si Nathan pala.
"Huwag na lang siguro." saad ko.
Bumitaw na siya mula sa pagkakahawak sa akin.
Gusto kong magalit sa kanya. But he's my best friend, at ayaw kong masira ang pagkakaibigan na mayroon kami.
*****
Theo Solis' POV
Sa wakas ay nagkaroon din ng pagkakataon na makapag-bonding kami ni Marjorie. Sa simpleng restaurant lang kami kumain at nagtungo na kami sa mall upang maglaro sa arcade.
Marjorie loves simple things. She's not a materialistic woman. I'm so lucky to be her best friend.
"Ililibre mo na naman ako, nakakahiya naman." she pouted.
"Don't mind it. Masaya ako sa tuwing napapasaya kita, so hayaan mo akong gawin 'to." tugon ko sa kanya.
Naglaro na kami sa iba't ibang machine dito sa arcade. We had so much fun, and I see it in Marjorie's eyes. Pagkatapos naming maglaro ay kumain muna kami ng ramen sa paborito naming convenience store.
Umikot muna ako upang humanap ng iba pang snacks.
"Marjorie gusto mo ba ng–" I stopped talking when I saw her putting some snacks in the bag pack she was carrying.
Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Is she really stealing those foods? Si Marjorie ba 'tong kasama ko?
"T-Theo?" nagulat si Marjorie dahil nakatayo lamang ako sa harap niya at pinapanood ang kanyang ginagawa.
"Give me that bag." kalmado kong saad.
"Sorry." tila nagmamakaawa ang kanyang mga mata.
Kinuha ko yung bag niya at dinala ito sa counter upang bayaran.
I didn't expect her to do this. Tumingin ako kay Marjorie na nakatayo lang sa aking likuran at nakayuko. Wala namang nakakita sa kanya kundi ako lang, at wala akong balak na ipahiya siya.
*****
"What happened to you? Kailan mo pa ginagawa 'to?" inis kong tanong sa kaniya.
She was sobbing.
"Sorry Theo. Hindi na kasi sapat ang allowance na binibigay sa akin ng parents ko kaya napipilitan akong gawin 'yon. Huwag mo akong isumbong sa mga pulis, nagmamakaawa ako Theo." hinawakan ni Marjorie ang aking mga kamay.
"Dapat magsabi ka sa akin. We're best friends, right? Handa akong tumulong, nandito lang ako. Huwag na huwag mo nang gawin 'yan." saad ko.
Tumango si Marjorie.
"Ihahatid na kita sa bahay nyo." saad ko habang hawak ang kanyang kamay.
I will never tolerate her from doing those bad things. Babaguhin ko siya, gusto kong ayusin ang buhay niya.
~
🖋author_mj17
BINABASA MO ANG
BATCH 2018
RandomIsang grupo ng mga kalalakihan na may pitong miyembro. Magkaiba ng mga ugali, magkaiba ng gusto. Ngunit iisa lang ang kanilang minimithi, ang makapagtapos ng pag-aaral at sabay-sabay na maging ganap na Engineer. Marami mang pinagdadaanan, ngunit man...