Chapter One

5 1 0
                                    

Chapter 1

"Nakapag-ready na ba ang lahat? Totoo na ba 'to?" tanong ni Nathan sa kaniyang mga barkada.

"Oo bro, totoong totoo na 'to. Konting kembot na lang at aalis na tayo rito sa Ateneo." sagot naman ni Theo.

Sila lang naman ang pitong magbabarkada na napag-kasunduan ang mag-take ng civil engineering course sa Ateneo De Manila University. These group of friends consists of seven handsome guys named Kyle Montebello, Timothy Rubio, Alex Dela Cruz, Theo Solis, Cody Dominguez, Brian Ochoa and Nathan Sandoval.

Seven guys.

Same groups.

Same course.

But different stories.

High school pa lamang sila ay napagkasunduan nila na mag-take ng Civil Engineering. Idea ito ni Timothy na gifted din pagdating sa arts. At ayon pa kay Cody, hindi nila hahayaan na magkahiwa-hiwalay sila. Laban ng isa ay laban na rin ng lahat.

Ano nga ba ang Civil Engineering?

Ang civil engineering ay isang sangay ng engineering na responsable para sa disenyo, konstruksyon at pagpapanatili ng malalaking mga imprastraktura para sa publiko o sibil na paggamit, tulad ng mga kalsada, tulay, riles, paliparan, pantalan, dam, dike, kanal, at iba pa.

To do this, it uses other scientific disciplines such as physics, chemistry, mathematics, geology, calculus, mechanics or hydraulics.

See?

Sa description pa lang malalaman mo nang mahirapan ang kursong ito.

"Sandali, hihintayin ko munang dumating si Lacey." ani ni Kyle.

Napatingin sa kaniya ang boys na tila nang-aasar pa.

"Ilang taon ka na ba nagtitiis sa babaeng 'yon? Kailan ka ba niya balak sagutin? Hindi ako naniniwala na pag-aaral ang inuuna niya." saad naman ni Alex habang binubuksan ang tuna bread na kaniyang baon.

"Mabait si Lacey, okay? Please don't judge her." mahinahong tugon ni Kyle.

"Enough mga bro. Mauuna na kami. Kyle, bilisan mo ha?" sumingit naman sa usapan si Brian.

Umalis na ang boys at naiwan si Kyle malapit sa main entrance ng campus upang hintayin ang kaniyang first and last love na si Lacey Ramos. Isang education student majoring in mathematics.

Kyle has been dating Lacey for a long time, ngunit hindi pa nito kayang ipagsigawan sa lahat na boyfriend siya ng dalaga. High school pa lang sila ay sinimulan na niya itong ligawan. Medyo strict ang parents ni Lacey kaya nahihirapan din si Kyle. Pero nandyan ang kaniyang mga kaibigan upang tulungan siya.

"Kyle!"

Nabuhayan ng loob ang binata.

"Sorry. Naghintay ka ba ng matagal? Dumaan pa kasi kami sa bahay ng Lola ko, pasensya na." mahinhin na saad ni Lacey.

Who can't love Lacey? She is beautiful, she has pretty white skin, her lips are red and her shoulder length hair is a plus point. Hindi naman gaanong kayaman ang kaniyang pamilya ngunit mayaman si Lacey sa talino, respeto at paggalang.

Kyle never gets tired of waiting for Lacey because he truly loves her.

"Okay lang. Let's go?" kabadong saad ng binata at marahang hinawakan ang kamay ni Lacey.

***

Kyle Montebello's POV

Aaminin kong mahirap itong pagtitiis na ginagawa ko, but I truly love Lacey. Seryoso ko siyang nililigawan. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ayaw pa niya ako sagutin. Mabait siya at first priority niya ang pag-aaral.

Hindi ako nagkamali ng pagpili sa kaniya. I can't wait to be her boyfriend.

Hinatid ko na si Lacey sa building kung saan siya pumapasok. Tumakbo naman ako patungo sa building civil engineering students. Buti na lang hindi pa nagsisimula ang klase.

"Ano na? Masyado mo namang inaaksaya ang oras mo kay Lacey. Mukhang nakalimutan mong may klase pa tayo." biro ni Nathan sa akin.

Nagtatawanan naman ang iba at mukhang maghapon nila akong aasarin.

"Na-late kasi siya ng dating kaya napatagal din ang pagbalik ko rito. Tigilan ninyo na nga kami ni Lacey." umupo na ako sa tabi ni Alex.

"Cody, may gig ba si Reverie mamaya? Tara, nood tayo." Alex changed the topic.

Sumandal si Cody sa upuan.

"Hindi pa siya nag-uupdate sa akin, pero subukan ko siyang tawagan mamaya. Iinom din ba tayo?" Cody replied.

"Sure. Sagot ni Nathan, malaki allowance ng isang 'yan. Isasama ko si Marjorie." saad naman ni Theo.

Marjorie Jimenez, she is Theo's best friend. At mayroon pang isa, si Jessica Ignacio na best friend naman ni Timothy. Civil engineering din ang course nila. Minsan kasama namin sila gumala at mag-inom, mababait sila at magaganda.

Speaking of these two gorgeous creatures, dumating silang dalawa at umupo malapit sa amin.

"May meeting ba?" biro ni Marjorie.

"Manonood tayo ng gig ni Reverie mamaya. Sama kayo?" pag-aya ni Theo.

"Sure!" excited na tugon ni Jessica.

Kinasa na namin ang plano. Kaya naman kakausapin ni Cody mamaya ang kaniyang girlfriend upang malaman kung saan ang gig niya mamaya.

~*

🖋️author_mj17

BATCH 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon