Chapter Two

0 0 0
                                    

Chapter 2

Cody Dominguez' POV

Kanina pa ako tawag nang tawag kay Reverie pero hindi talaga siya sumasagot. Busy ata siya sa pagkanta, hindi na siya nagsawa. Minsan na lang kami magkita dahil sa banda na 'yan, magkakaroon man ng pagkakataon pero saglit lang.

Inaamin kong wala nang kwenta at sigla 'tong relasyon namin, nagtitiis na lang ako. Wala akong update kay Reverie araw-araw. Tila ba nasa kabilang panig siya ng mundo. Tulog sa araw, gising sa gabi. Salungat ang schedule naming dalawa.

Kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng Old Rizal Library dito sa Ateneo. Yung ibang boys ay nasa Blue Eagle Gym para maglaro ng basketball.

Kailangan kong makausap si Reverie para malaman namin kung saan siya tutugtog mamaya, umaasa pa naman ang mga kaibigan ko na mapapanood namin siya. Lumabas na ako ng library upang magtungo sa gym para panoorin ang aking mga kaibigan na maglaro.

one message received
(Reverie)

'Pasensya na, Love. Sa Route 196 ang gig namin mamaya.'

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa message na nakita ko. Sa wakas ay nagparamdam na rin ang girlfriend ko. Nagmadali na akong puntahan ang aking mga kaibigan.

Naabutan ko silang nagpapahinga.

"Sa Route 196 sila tutugtog mamaya." bungad ko sa kanila.

"Sa Katipunan ba 'yan?" tanong ni Theo.

"Yup. Nathan, ililibre mo ba kami?" banat ko.

"Sagot agad." tinapik siya ni Brian.

Ngumiti lang si Nathan.

"Sige na nga." nagpalakpakan sila.

Kailan ba kami tiniis ni Nathan? Siya naman palagi ang nanglilibre sa amin sa tuwing lalabas kami. His family owns a small restaurant near our school, and according to his Mom ay magbubukas pa sila ng iba pang branch.

Yayamanin.

"Buti naman at nakausap mo na si Reverie. May oras pa ba siya para sayo?" tanong ni Brian sa akin.

"Bihira na lang kami magkita at mag-usap. Pero naiintindihan ko naman siya, alam kong ginagawa niya ang passion niya at para rin 'yon sa pamilya niya." tugon ko.

"Bilib na talaga kami sa fighting spirit mo, bro! Tara na nga at pumasok na tayo sa next subject." inakbayan naman ako ni Timothy.

*****

It's already six in the evening at kasalukuyan kaming naglalakad patungong parking area. Sa pitong magbabarkada, sina Alex at Nathan lang ang may sariling kotse. At dahil mahal nila kami, palagi nila kaming hinahatid at sinusundo.

Pupunta na kami sa Route 196 upang panoorin ang aking nobya. As usual, kasama namin ang kaibigan nila Theo at Timothy na sina Marjorie at Jessica.

"Off to Katipunan Avenue!" masayang saad ni Brian na lasinggero.

"Nathan, busy ba si Kollyn? Dapat sinama mo siya." sabi ni Marjorie.

"Sa tingin ko walang oras 'yon sa mga ganitong bagay. Busy na naman siya sa pagsasayaw." tugon naman ni Nathan sa kaniya.

Kollyn Mercado, ang kaibigan ni Nathan na choreographer at Theater Arts student na walang pagod sumayaw maghapon at magdamag.

"Hindi na ako magtataka kung bakit hindi sinama ni Kyle si Lacey." pabirong sabi ni Alex.

BATCH 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon