Chapter 7
Timothy Rubio's POV
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Theo. Sa loob ng ilang taon naming magkaibigan, ngayon ko lang siya nakitang humagulgol ng iyak at tila mababaliw na.
Honestly, naaawa ako sa kanya.
Alam kong gusto niya lang protektahan si Marjorie. Pero bakit naman kasi kailangan pa umabot sa ganoong sitwasyon? Kanino kami hihingi ng tulong? We're still young after all. Hindi pa kami stable para kumuha ng magaling na abogado.
We're not able to tell it to his parents. Dahil baka sila pa mismo ang mag-pakulong kay Theo.
"Where's Theo?" Brian asked me.
Nagkita-kita kami sa isang cafe near our school upang pag-usapan ang magiging plano sa kaso ni Theo. And it looks like he won’t be coming today.
"Tawagan mo nga, Kyle." utos naman ni Cody kay Kyle.
"May naisip na ba kayong paraan para makakuha tayo ng abogado?" tanong ko sa kanila.
"Hindi ako makapag-tanong sa parents ko, ayaw kong mag-isip sila ng hindi maganda. Kaya subukan na lang natin mag-search." saad naman ni Nathan.
"Theo, nasaan ka na?"
"What?"
"P-Pupuntahan ka namin!"
Nagpapanic si Kyle at nag-madali itong lumabas, mabilis naman kaming nakasunod sa kanya.
*****
Naabutan namin si Kyle sa condo unit niya sa Katipunan. Nakaupo siya sa sofa, naka-yuko at umiiyak. Ang daming bote ng beer sa mesa, feeling ko magdamag siyang nag-inom at iniisip ang nagawa niya sa tatay ni Marjorie.
Sinubukan kong kontakin si Jessica dahil kabigan din niya si Marjorie. Ngayong araw daw ang burol ni Tito Charlie. Sad to say, hindi makakapunta si Theo dahil guilty siya sa pagkamatay nito.
"Nababaliw na ako!" umiiyak na saad ni Theo.
"Bakit kasi hindi ka na lang sumuko?" saad naman ni Kyle dahilan ng biglang pagtayo ni Theo.
"Madali lang 'yan sabihin para sayo dahil wala ka sa sitwasyon ko!" galit na tugon ni Theo.
Tumayo sa gitna nila si Alex. Huwag naman sana masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang dito.
"May point siya, Kyle. We should find a good lawyer, huwag nating i-judge si Theo. We're best friends after all." sabi ni Alex.
"Fine." walang-ganang tugon ni Kyle atsaka ito muling umupo.
Saan ba kami hahanap ng magaling na lawyer?
Ang hirap nito. Lalo pa't kailangan namin itong i-sikreto sa mga magulang namin.
"Timothy, kamustahin mo si Marjorie." sabi ni Theo sa akin.
"Sure. Pupunta kami ni Jessica sa bahay nila Marjorie mamaya." tugon ko.
Habang nag-uusap kami ay niligpit naman nila Nathan at Cody ang mga kalat sa condo ni Theo. Muli akong tumingin sa aking kaibigan na hindi mapakali, sobrang naaawa talaga ako sa kanya.
"Makakapasok ka ba sa university ng ganyan ang sitwasyon mo?" tanong naman ni Brian.
"S-Susubukan ko." nakayuko si Theo.
"Nandito lang kami Theo, huwag kang mag-alala." saad naman ni Alex.
"Timothy, lawyer ang tatay mo 'di ba?" natapos na magligpit sila Nathan at Cody kaya't sumali ulit sila sa usapan.
Tumango naman ako.
"Bakit hindi na lang siya ang kunin nating lawyer?" sabi naman ni Nathan.
"I really want to help Theo, honestly. But I think it's not a good idea na kunin si Dad bilang lawyer niya." paliwanag ko sa kanila.
"See? Ayaw din ni Timothy na pag-isipan siya ng masama ng mga magulang niya." saad naman ni Kyle.
Nathan was about to punch Kyle, but Alex quickly stopped them. These guys are really short-tempered people. Malaki ang problema ni Theo at lalo pa itong bumibigat dahil nagtatalo pa sila sa harap ng aming kaibigan.
I don't know how to stop them from contradicting each other. They're just adding fuel to the fire.
"Hindi solusyon ang pagtatalo sa problema ni Theo!" sigaw ni Alex.
"Don't worry guys, susubukan kong kausapin si Dad. Please lang 'wag na kayong mag-away." pakiusap ko sa kanila.
Tahimik pa rin sa Theo, nakayuko at malalim ang iniisip.
Paano ko ba ipapaliwanag kay Dad ang lahat?
Paano ko siya makukumbinsi na tulungan ang kaibigan ko?
*****
Marjorie Jimenez's POV
Kasalukuyang nakaburol si Papa sa isang memorial chapel na malapit sa aming bahay. Isa-isang bumisita ang kanyang mga kaanak, kapatid at pamangkin.
Nakaupo si Mama, tulala at kanina pa walang imik.
"Condolence."
"Condolences to you and to your Mama."
Hindi ko mapigilan umiyak. I saw it, I really saw everything. But honestly I can't blame Theo for what he did. Ilang taon na kaming inaabuso ni Papa at hindi namin magawang mag-reklamo ni Mama dahil nagbanta siya na papatayin niya kami.
Pero hindi ko inaasahan na si Theo ang papatay sa kanya.
"Marj." may humawak sa likod ko.
Sila Jessica at Timothy pala.
"Condolence." saad ni Timothy.
Niyaya ko silang umupo.
"How was Tita Rose? Is she alright?" Jessica asked me.
Tumingin ako kay Mama na hindi nagbabago ang expression ng mukha.
"I think hindi pa rin mag-sink-in sa utak niya yung nangyari." saad ko.
"Marj, can we talk in private?" sabi naman ni Timothy.
Lumabas muna kaming dalawa saglit upang mag-usap.
"Okay lang ba si Theo?" I asked Timothy.
"He can't sleep, he's always crying and always afraid. Nahihirapan kaming pakalmahin siya minsan." tugon niya.
I sighed deeply.
"I want to see him, I want to comfort him."
Kita sa mukha ni Timothy ang pagka-gulat.
"Really? Hindi ka ba galit sa kanya?" he asked me.
Umiling ako. Bakit ako magagalit? Tinapos lang naman ni Theo ang pagdurusa namin ni Mama sa mga kamay ni Papa. And besides, that abusive man is not my biological father. Hiwalay si Mama sa totoo kong tatay dahil nag-cheat ito sa kaniya, and then she remarried Charlie Jimenez. Kaya apelyido niya ang ginagamit ko para maiwasan ang issue.
Marami akong pain na tinatago.
That man once molested me while I'm doing my yoga routine in the living room. Hindi ako nagsusumbong kay Mama dahil ayaw ko rin naman na mag-away sila.
Akala ko nga magiging okay pa ang lahat, until he got addicted to illegal drugs that makes our lives miserable.
Kaya rin siguro napapadalas ang pambubugbog niya kay Mama dahil epekto yun ng drugs. Masama na kung masama, pero nagpapasalamat ako kay Theo dahil tinapos na niya ang paghihirap namin.
~
🖋author_mj17
BINABASA MO ANG
BATCH 2018
RandomIsang grupo ng mga kalalakihan na may pitong miyembro. Magkaiba ng mga ugali, magkaiba ng gusto. Ngunit iisa lang ang kanilang minimithi, ang makapagtapos ng pag-aaral at sabay-sabay na maging ganap na Engineer. Marami mang pinagdadaanan, ngunit man...