Chapter 10
Alex's POV
Walang klase ngayong araw kaya sumama ako kay Mommy na mag-grocery. Minsan ko na lang siya makita at makasama kaya susulitin ko ang araw na 'to. Masyado akong busy sa studies at sa mga kaibigan ko, specially kay Theo.
Naaawa ako sa kanya. Naniniwala ako na hindi niya sinasadya at hindi niya ginusto ang nangyari. Ngunit kinakailangan pa rin niyang managot sa batas.
Ano ba'ng magagawa ko bilang kaibigan niya?
"Hijo…"
I shook my head.
"Po?" lumapit ako kay Mommy na nasa dairy section.
Hays! Kung anu-ano kasi ang iniisip ko.
I will never let Theo get depressed because of his problems. If he wanted to have a breakdown over something that happened years ago, then fine.
But if I hear of him being suicidal or even thinking that it’s too late for him, I won’t be able to bear it anymore. I can’t deal with the idea of someone having such low self-esteem and not trying to fix it, so I don’t allow it to happen.
If we’re not there for one another, then we won’t be able to stay in sync when life gets really hard.
Isa pa sa problema ko ay ang kakaibang pananalita ni Kyle over Theo. Tila ba hindi siya sumasang-ayon dito. Lalo akong nahihirapan because he's contradicting us.
"Alex, are you alright?"
Malayo na pala si Mommy. Mabilis akong lumapit sa kanya.
"Yes po. Saan na tayo pupunta?" saad ko.
"Are you not feeling well? You don't have to come with me; I can go shopping alone." Mom told me.
Ngumiti naman ako. I'm so lucky that she's my mother.
"Okay lang ako, promise." hinawakan ko ang kanyang braso.
"Okay. Magbayad na tayo."
Tinulak ko na ang cart papunta sa counter area. Medyo mahaba ang pila at nakakainis 'to malamang. Tumingin-tingin muna ako sa paligid while waiting for my turn.
Then I unexpectedly saw a familiar guy at the next counter.
"Theo!" malakas kong sabi.
Mabilis siyang tumingin sa akin. But the most heartbreaking part is his eyes were swollen. Mukhang kakatapos lang niya umiyak. He's wearing a black fitted cap, pero nakita kong may sugat siya sa mukha.
Iniwan ko muna sandali si Mommy upang lapitan si Theo.
"What happened?" mahina kong sabi.
"Help me." naiiyak niyang tugon.
I was so confused when he started crying. May bitbit siyang tissue, bottled water, mga personal hygiene products at pagkain.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko.
"Inamin ko na sa parents ko ang krimen na nagawa ko. Binugbog ako ni Dad, at ayaw na niya akong makita sa bahay namin." tugon ni Theo sa akin.
Hinila ko siya papunta sa pwesto namin ni Mommy. I even put his stuff on our cart.
"Mom, ikaw na muna ang magbayad ng mga pinamili ni Theo. Mamaya ko na sasabihin sayo kung bakit." nagta-takang tumango si Mommy.
Naghintay naman kami ni Theo sa labas.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagpupunas siya ng luha. Kailangan kong kumbinsihin ang mga magulang ko na pansamantala muna uuwi si Theo sa bahay namin.
Hindi siya pwedeng gumala at matulog na lang kung saan.
"Look at me, Theo." saad ko.
"Ang sama ko! Dapat na siguro akong makulong." muli na naman siyang umiyak.
I pulled him towards me. Hindi ko kayang magkakaganito si Theo.
*****
Nakauwi na kami sa bahay. Isinama ko muna si Theo sa kwarto ko. Medyo malaki naman ito, kaya walang problema. Inayos na rin namin ang kanyang mga gamit.
I'm staring at Theo, scanning his bruised face. He's so pale it looks like he's on the moon. His eyes look sunken in. I want to tell him that he doesn't have to keep this up anymore. That I don't blame him for what happened.
"Tumabi ka na lang sa akin mamaya." nakangiti kong sabi.
"Dito na lang ako sa couch, nakakahiya naman sa parents mo." tugon ni Theo.
"Shut up. Parang hindi tayo nag-sleep over dito noon. Tuwang-tuwa nga sila kasi umingay 'tong bahay kahit papaano." I tried my best to lighten up his mood.
At last! I saw him smiling.
"Sana nanatili na lang tayong high school. Ang sarap balikan yung mga panahong wala tayong ibang pinoproblema kundi floorwax at chalk." saad ni Theo.
May point naman siya. Ang sarap balikan ng nakaraan. But this is our fate, wala na kaming magagawa.
"Maligo ka na, mamaya bababa tayo." utos ko kay Theo.
Nagtungo muna ako sa kusina upang tulungan si Mommy.
Oras na para unti-unting aminin ni Theo ang krimen na hindi naman niya ginustong mangyari.
~
🖋author_mj17
BINABASA MO ANG
BATCH 2018
RandomIsang grupo ng mga kalalakihan na may pitong miyembro. Magkaiba ng mga ugali, magkaiba ng gusto. Ngunit iisa lang ang kanilang minimithi, ang makapagtapos ng pag-aaral at sabay-sabay na maging ganap na Engineer. Marami mang pinagdadaanan, ngunit man...