Chapter Three

0 0 0
                                    

Chapter 3

Alas onse na ng gabi natapos ang gig. Reverie and I talked about spending the night in her apartment. Medyo matagal na rin since 'nung last time na natulog kami together. There are so many things we need to talk about.

As we reached our destination, Reverie told me that she needs to change her clothes first while I'm preparing the pillows and blankets. Nagmasid na rin muna ako sa paligid and I think this place requires a slight renovation.

I walked around her apartment to plan everything. I even saw the guitar that I bought for her. Napangiti ako at kinuha 'yon, nakakamiss gamitin ito.

"Do you want me to sing while you're playing the guitar?"

Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko.

"You startled me." natatawa kong saad.

Lumapit siya sa akin atsaka ako niyakap ng mahigpit.

"I'm very sorry." she whispered.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi mo kailangan humingi ng sorry sa akin? Naiintindihan kita, Love. Huwag mong isipin na nagagalit ako sa tuwing hindi kita nakakausap." paliwanag ko kay Reverie.

Umupo kaming dalawang sa couch upang makapag-usap ng mas maayos.

"Pero alam mo, bilib ako sa 'yo. Kasi kahit nawawalan ako ng oras para sa relasyon natin hindi mo nagawang mag-cheat sa akin." muntik kong ihagis ang gitara dahil sa kanyang sinabi.

"Why would I cheat on you? I'm dating you because you're the only woman I want to be with forever."

Ngumiti siya atsaka hinalikan ang aking labi. I can't explain the joy I feel now. Tila ba bumabalik kaming dalawa sa simula.

"Thank you for staying, caring and loving me." saad niya.

Hindi na ako nagsalita. Bagkus ay niyakap ko siya ng sobrang higpit. Mahirap man, pero kakayanin naming lahat dahil may pinangako kami sa isa't isa.

Tumitig ako sa kanya at unti-unting naglapat ang aming mga labi. It feels like it's our first kiss, I really missed her.

"Matatagalan na naman bago tayo magkakasama ng ganito ulit." bulong ko sa kaniya.

"Oo nga e. Kung hindi lang kami kapos, hindi ako kakayod ganito." tugon ni Reverie sa akin.

Sumandal ako sa upuan at nag-isip.

"Hihintayin ko yung time na makaraos kayo at ako naman ang magpapaaral sayo." saad ko.

Muli akong niyakap ni Reverie. Totoo ang lahat ng mga pangako sa kanya, dahil gusto kong makaahon siya. May pangarap din si Reverie at sasamahan ko siyang tuparin 'yon.

*****

Alex Dela Cruz's POV

That was insane! Grabe, ang saya kanina. Late na tuloy akong nakauwi dahil isa-isa pang hinatid ang aking mga kaibigan. Naabutan ko si Kuya Albert na nag-aayos ng kanyang mga gamit, nag-decide akong pumasok sa kwarto niya.

"What are you doing here? Anong oras na ah?" tanong nito sa akin.

Humiga ako.

"Nag-inom kami sa Route 196 ng mga kaibigan ko." tugon ko kay Kuya.

Hinampas niya ako ng unan dahilan upang mapatayo ako.

"Hindi porket college ka na ay kailangan mong mag-inom kung kailan mo gusto. Magbawas-bawas ka nga sa kakainom mo." saad ni Kuya.

Sabi ko na nga ba't sermon na naman ang aabutin ko sa kanya. Pero mahal na mahal ko si Kuya kahit madalas ang pagtatalo naming dalawa. He's a professional chef in Okada Manila Hotel, stable ang buhay at kumikita ng malaki.

Kaya nagsisikap akong mag-aral at makatapos ng civil engineering dahil siya ang nag-motivate sa akin 'nun. At nangako kami kay Mommy at Daddy na kami naman ang babawi sa kanila someday.

"One last question at pwede ka nang matulog." lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni Kuya.

"What?" seryoso kong tanong.

"Bakit single ka pa rin?"

Seryoso ang mukha ni Kuya at nakatingin siya sa akin. He's waiting for my answer, but I refused and walked away from him. Mahilig siyang magtanong sa akin ng ganun, alam nilang lahat ang dahilan.

Nagtungo na ako sa aking kwarto upang magpahinga. Habang nagbibihis ay naisipan kong kunin ang litrato ni Grace sa cabinet na malapit sa aking kama.

"Hey, I missed you a lot. I hope you're doing great up there." naiiyak kong saad.

Grace Hidalgo, niligawan ko siya noon. She died last year because of a car accident. I'm on my way to meet her, nag-set kasi siya ng dinner sa isang restaurant near their village. Sobrang excited ako noon kasi alam kong sasagutin na niya ako that time.

Nauna akong makarating sa meeting place namin, pero mas pinili kong hintayin siya sa labas ng restaurant. Hawak ko yung paborito niyang bulaklak na ako pa mismo ang nag-arrange. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko noon dahil sa excitement na nararamdaman ko.

But the excitement that I'm feeling was replaced by anger, fear and pain.

I saw Grace being crashed inside her car, I saw her bleeding and bathing in her own blood. She even looked at me, crying and asking for help.

"I love you." she mouthed as she closed her eyes.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa aking nasaksihan. Nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano binawian ng buhay ang babaeng mahal na mahal ko. I tried to help her but the crowd stopped me and told me that the car will explode anytime dahil sa tumagas na gas.

I badly want to be with her kahit sumabog pa yung kotse niya.

It's been one year, pero hindi ko pa rin matanggap na ganito yung patutunguhan ng lahat. Kung nasaan man si Grace ngayon, alam kong palagi niya akong binabantayan. At alam niya kung gaano ko siya kamahal.

~*

🖋️ author_mj17

BATCH 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon