Chapter Nine

0 0 0
                                    

Chapter 9

Matapos naming mag-usap ni Marjorie ay hinatid ko na siya sa terminal ng taxi. Nagkita-kita naman kami ng aking mga kaibigan sa bahay nila Timothy. Kabado ako dahil makakaharap ko si Tito Jericho, ang tatay ni Timothy at isa siyang lawyer.

Nasa gate pa lamang kami ng kanilang bahay ay parang gusto ko nang tumakbo palayo. Naglakad ako ng dahan-dahan patungo sa kanilang sala.

"Hello po." sabay-sabay naming pagbati kay Tito Jericho na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro.

Ngumiti ito at pinaupo kami.

"What brings you here?" he asked us.

Napalunok ako sa kaba. Isa-isa kong tiningnan ang aking mga kaibigan. Wait, where's Kyle? Himala at hindi siya sumama sa amin ngayon. First time 'tong nangyari.

Ano kaya ang problema niya?

These past few days feeling ko hindi siya agree sa akin, kahit sa iba naming mga kasama. Handa siguro siyang masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa pagkakamali ko.

Anyway, ibinalik ko ang aking atensyon kay Tito Jericho na kanina pa naghihintay sa aming sagot.

"Theo wants to ask something." saad naman ni Timothy habang naglalagay ng juice sa mga baso.

Ano ba'ng dapat kong sabihin?

Kinakabahan ako.

"T-Tito. I know that this is such a serious case, pero hindi ko 'yon sinasadyang gawin." panimula ko.

Tito Jericho looks so interested in what I've told him.

"What do you mean?" he asked me again.

"Nasaksak ko ang tatay ni Marjorie, nagawa ko 'yon dahil sa takot na saktan niya ang kaibigan ko at ang nanay nito." naiiyak kong sabi.

Tito Jericho sighed.

Makukulong ba ako?

"Homicide." saad ni Tito habang nakatingin sa akin.

I knew it.

Wala na talagang pag-asa. Alam ko na ang aking kahihinatnan. Handa na akong makulong.

"Homicide is when one human being causes the death of another, just like what you said na aksidente mong nasaksak ang tatay ng kaibigan mo. Not all homicide is murder." dagdag pa niya.

Gusto kong umiyak sa mga oras na 'to. Mabigat ang kasong haharapin ko.

"Ilang taon po siya makukulong?" tanong naman ni Cody.

"Sa ngayon, reclusion perpetua ang hatol sa mapapatunayan na nagkasala. Makukulong ang suspek sa loob ng dalawampu hanggang apatnapung taon. May karapatan ang akusado na makapag piyansa dahil hindi ito capital offense." paliwanag ni Tito Jericho sa amin.

Lalo akong na-takot at kinabahan sa kanyang mga sinabi. What if magsampa ng kaso ang mga kamag-anak ng tatay ni Marjorie? Alam ni Tita Rose ang lahat, kaya kung sakaling magbago ang isip niya ay maaari akong makulong.

Kailangan kong lakasan ang aking loob. Aaminin ko na sa parents ko ang totoo bago pa mahuli ang lahat.

After I talked to Timothy's dad about the homicide case, I immediately went home to talk to my parents. I saw them in the living room. I want to tell them that I killed someone.

They know who I am and they are going to hate me after this.

"What is up with you Theo?" asked Dad.

Mom was just watching the news silently as she listened to me.

"You haven't been yourself lately."

"I don't feel good."

Mom sat beside me and put a hand on my shoulder. Kinakabahan ako.

"Is everything okay?" She asked.

"No. I think I'm dying." The words came out slowly but clearly and without hesitation.

It felt weird telling people this about myself. Even though it was true.

"Okay Theo," said Dad. "Just breathe okay?" He got up and turned to leave.

"Wait!"

Nagkatinginan kaming dalawa. Bumalik si Dad sa kaniyang kinauupuan.

"I killed Marjorie's father! But it was an accident. Believe me!" I told my parents.

My mom and dad looked at each other with tears in their eyes. Tears of anger, disappointment, sadness. They both said they believed me but the truth hurt them more than they would have liked it to.

"Theo." nanginginig ang boses ni Mommy.

"Sorry." tuluyan na akong umiyak.

Hindi ko na ma-ipinta sa aking isipan ang mga sumunod na pangyayari dahil sa malakas na suntok na binigay sa akin ni Daddy. Tanging iyak at sigaw na lamang ang aking naririnig.

Pumikit ako at malayang tinanggap ang pananakit na ginagawa sa akin ng aking ama.

I truly deserved this.

Nagdudugo ang aking mukha. Wala man lang tumulong sa akin, even my mom.

"Get out of this house!" malakas na sigaw ni Daddy sa akin.

Isa-isa niyang hinagis ang aking mga gamit. Walang ibang magawa si Mommy kundi panoorin ako.

'Saan ako pupunta?'

Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang aking gamit. Lumakad na ako palabas ng aming bahay without looking back at them. Nagsisisi ako sa ginawa ako. Hindi na sana ako nakisali sa problema ng pamilya ni Marjorie.

Paano ko bubuhayin ang aking sarili?

I need somebody to lean on.

~

🖋author_mj17

BATCH 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon