Chapter 6
Naglalakad na kami ni Marjorie patungo sa kanilang bahay. Kanina pa siya tahimik at walang imik, so I tried to hold her hand.
"Are you okay?" I asked her.
"Don't mind me." she replied.
I was about to hug her but–
"Charlie, tama na!"
Mabilis na tumakbo si Marjorie papasok ng kanilang bahay, agad naman akong sumunod. Naabutan naming nag-aaway ang kanyang mga magulang. Hawak ni Tito Charlie ang baseball bat at ihahampas ito kay Tita Rose.
Pumagitna si Marjorie. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
"Umalis ka! Kung ayaw mong ikaw ang sumalo ng lahat ng ihahampas ko sa nanay mo." galit na saad ni Tito.
Nagtangka siyang hahampasin ang aking kaibigan, mabilis kong dinampot ang bote ng beer at hindi ko na namalayang binasag ko ito sa ulo ni Tito Charlie.
Tumingin siya sa akin at nanlilisik ang kanyang mga mata.
"S-Sino ka sa tingin mo?" tanong nito sa akin.
"Theo umalis ka na!" utos naman ni Marjorie sa akin.
Sa akin naman binaling ni Tito Charlie ang kanyang galit. Papaluin niya rin sana ako ng baseball bat, ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.
Hindi ko sinasadya.
Hindi ko planong gawin sa kanya 'yon.
"Charlie!"
"Theo, ano'ng ginawa mo?"
Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan si Tito Charlie na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.
"H-Hindi ko sinasadya, Marjorie. Sorry!" naiiyak kong saad.
"Theo, umalis ka na." sabi ni Tita Rose sa akin.
Nanginginig ako na tumakbo at lumabas mula sa kanilang bahay. May dugo ang aking mga kamay, kaya nag-desisyon akong magtungo sa public restrooms upang mag-hugas.
I killed him.
I killed him.
I killed him.
No way!
Hindi ko 'yon sinasadya. It's not my intention to kill Tito Charlie, I just want to protect my best friend and her mother. Ayaw kong makulong, papatayin nila ako roon. Hindi pa ako handa.
What should I do?
Mag-tatago ba ako?
Haharapin ko ba ang parusang naghihintay sa akin?
Mag-aaral pa ako.
Sasabihin ko ba 'to sa mga kaibigan ko? For sure sila lang naman ang tutulong sa akin.
*****
"Theo? B-Bakit pawis na pawis ka? Maupo ka nga, teka lang kukuha ako ng maiinom mo." halatang gulat na gulat si Cody sa biglaan kong pagsugod sa kanilang bahay.
Good thing at magkakasama silang anim. Hindi ko na pwedeng itago pa ito ng matagal, kailangan ko sabihin sa kanila ang totoo upang matulungan nila ako.
Tahimik lang ako na nakaupo at nag-iisip kung sa paanong paraan ko sasabihin sa kanila ang hindi ko sinasadyang pagpatay sa tatay ni Marjorie.
"You looked exhausted." saad ni Nathan.
Dahan-dahan ko silang tiningnan. Am I?
"Theo, are you alright?" tanong naman ni Brian.
Nagsimula na akong umiyak. I can't take this anymore!
"Hoy bro! Ano ba'ng problema mo?" nag-panic naman si Alex atsaka lumapit sa akin.
"Hindi ko sinasadya!" panimula ko.
"Ang alin?" sabay-sabay nilang tanong sa akin.
This is it.
Sasabihin ko na ang katotohanan sa kanila. Tumingin ako kay Timothy.
"N-Napatay ko siya." nanginginig kong saad.
"Sino?!" muli nilang tanong sa akin.
"S-Si Tito Charlie, ang tatay ni Marjorie. M-Maniwala kayo sa akin, hindi ko 'yon sinasadya! Hahampasin niya ako ng baseball bat kaya prinotektahan ko lang ang sarili ko." paliwanag ko sa kanila habang umiiyak.
Tumayo si Kyle.
"Sa tingin mo maniniwala ang pulis sa 'yo kapag sinabi mo 'yan?" he asked me.
"Naabutan namin ni Marjorie na binugbog ni Tito Charlie si Tita Rose. Bilang lalaki, sinubukan ko silang ipagtanggol." saad ko.
"Pero away pamilya yun." matipid naman saad ni Alex.
Tumungo ako habang sinasabunutan ang aking sarili.
What have I done with my life?
"Pumili ka Theo, aamin ka o habangbuhay kang magtatago at magsisinungaling?" tanong ni Cody.
"Nakita ni Marjorie ang lahat." tugon ko.
"Ga-graduate pa tayo!" Saad naman ni Nathan.
"Mukhang hindi na ako aabot doon. Hayaan ninyo na ako."
Nagtangka akong umalis ngunit pinigilan nila akong lahat.
Saan ako pupunta?
Mag-tatago ba ako?
Aaminin ko ba ang krimen na ginawa ko?
O hahayaan kong magdusa ang pamilya ni Marjorie?
~
🖋author_mj17
BINABASA MO ANG
BATCH 2018
RandomIsang grupo ng mga kalalakihan na may pitong miyembro. Magkaiba ng mga ugali, magkaiba ng gusto. Ngunit iisa lang ang kanilang minimithi, ang makapagtapos ng pag-aaral at sabay-sabay na maging ganap na Engineer. Marami mang pinagdadaanan, ngunit man...