Chapter 4
Nathan Sandoval's POV
It's a beautiful day again. Kasama ko si Kollyn sa BP Dance Studio located at 56 Teodoro M Kalaw Street, Tierra Pura Homes, Tandang Sora, Quezon City, 1116 Metro Manila. This dance school offers a lot of services such as Adult lessons, Advanced classes, Beginner's classes, Choreography classes, Intermediate classes, Private lessons, Zumba and Studio Rental.
Palagi kaming nandito ni Kollyn tuwing weekends and vacant time naming dalawa. Minsan kasama namin si Brian na siyang nagsisilbing videoGrapher namin sa aming mga dance cover.
This time, naisipan naming dalawa ni Kollyn na subukang mag-zumba. We're laughing the whole time.
"Sayang, hindi natin kasama si Brian. For sure matutuwa 'yon." saad ni Kollyn.
Ngumiti lang ako. She's always talking about Brian everytime. Kahit ako yung kasama niya, palagi niyang hinahanap si Brian. Ako yung nandito kapag may problema siya, ako ang una niyang naging kaibigan.
Hays!
Nag-ooverthink na naman ako. Maybe I should focus on myself and on my studies.
"Bigla kang tumahimik diyan." tinapik ni Kollyn ang braso ko.
Nagpapahinga na kami sa lobby dahil two hours na kaming nagsasayaw.
"Wala. Biglang sumama ang pakiramdam ko, gusto ko nang umuwi." walang-gana kong tugon sa kaniya.
"Sure! Magpahinga ka at uminom ka kaagad ng gamot. Update me if you feel better na ha?" she hugged me.
Nauna na akong umalis. Bakit ba ako nag-sinungaling sa kaniya? Feeling ko tuloy nasaktan ko yung damdamin niya. First time kong gawin 'to, ang iwan siya sa dance studio.
Dapat kakain pa kami pero palagi niya kasing hinahanap si Brian and I can't help it.
*****
Dumaan ako sa bahay nila Cody para samahan siyang gumawa ng bago niyang imbensyon. Medyo wala ako sa mood pero pipilitin kong makisama sa kaniya.
Cody loves to build small landmarks using DIY materials. Pinanindigan niya ang pagiging civil engineering student. Nakaupo lang ako at nakatitig sa kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi mawala sa isip ko ang reaksyon ni Kollyn when I told her na uuwi ako.
Is she disappointed in me?
Baka hindi na niya ako pansinin bukas.
"Deep thoughts?" Cody threw a piece of paper at my face.
"Shut up." natatawa kong tugon.
Umupo siya sa tabi ko.
"What are you thinking? Kanina ka pa nakatulala riyan." saad ni Cody.
"Wala." pagsisinungaling ko.
"Akala ko magkasama kayo ni Kollyn? Himala ata at hindi kayo nagsasayaw ngayong araw." bumalik na si Cody sa kanyang ginagawa.
Ayaw ko nang pag-usapan pa si Kollyn. Maybe she's with Brian right now at sinabi niyang umuwi ako ng maaga dahil masama ang pakiramdam ko. And of course, nagpapaka-bayani si Brian and he will blame me for everything.
Sana hindi na siya makisawsaw sa panliligaw na binabalak ko.
Mas masasaktan ako kapag nangyari 'yon.
"Tapusin na natin ang ginagawa mo." mahinahon kong saad.
"Nathan, ang weird mo! Ano ba'ng problema mo? Ano'ng nakain mo? What happened to the cheerful Nathan?" lumapit muli si Cody sa akin.
"Wala nga. Okay lang ako." pilit kong itinatago ang totoo sa kaniya.
Ayaw ko nang umabot pa 'to sa mga kaibigan namin especially kay Brian. Wala naman kaming dapat problemahin at hindi dapat malaman ni Kollyn ang tungkol dito.
All of us deserved a happy and peaceful life.
"Sa tingin ko hindi agad 'to matatapos ngayon. Samahan mo ako bukas." saad ni Cody habang nagliligpit ng mga gamit.
"Saan?" nagtataka ko namang tanong.
"May bibilhin kasi ako, ibibigay ko 'yon kay Reveree." he answered.
Tumango na lang ako at tinulungan siya sa pagliligpit. Bakit ba ako nagkakaganito? Guilty ba ako? Saan? Bakit?!
Gusto kong kausapin si Kollyn, gusto ko nang sabihin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. This is it!
"Where are you going?" Cody asked me.
"Nakapag-isip na ako!" tugon ko habang naglalakad palabas.
*****
Bumalik ako sa studio upang tingnan kung nandoon pa si Kollyn.
"Good! Next week irerecord na natin 'to."
"Sure! Thank you, Brian."
Bigla akong tumigil sa paglalakad. Nawala ang excitement na nararamdaman ko kanina. I saw Brian and Kollyn dancing together. I knew it! Kay Brian siya lumalapit kapag wala ako.
Hindi ko alam kung ano ang sunod kong gagawin, mukhang napako na ang mga paa ko sa sahig dahil hindi ako makagalaw. Pinapanood ko lang ang bawat kilos nilang dalawa.
This is too much, Brian. Too much.
~
🖋author_mj17
BINABASA MO ANG
BATCH 2018
RandomIsang grupo ng mga kalalakihan na may pitong miyembro. Magkaiba ng mga ugali, magkaiba ng gusto. Ngunit iisa lang ang kanilang minimithi, ang makapagtapos ng pag-aaral at sabay-sabay na maging ganap na Engineer. Marami mang pinagdadaanan, ngunit man...