Chapter Twelve

0 0 0
                                    

Chapter 12

Nagmadali na akong lumabas. Aaminin ko na gusto kong marinig pa ang mga paliwanag niya, pero masasaktan lang ako. I really need to find out who that f*cking guy is.

Akala ko tahimik at maayos ang relasyon namin, akala ko siya na ang babaeng pakakasalan ko. I can't imagine na nakuha pa niya akong lokohin despite of all her problems. Busy lang ako sa pag-aaral, pero para sa future namin 'yon.

"Cody!"

Tumigil ako sa paglalakad. Lumapit sa akin si Reveree at niyakap ako ng mahigpit.

"Alam kong hindi mo na ako mapapatawad, pero palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." saad niya habang umiiyak.

Pumiglas ako mula sa kanyang pagka-kayakap.

"Maging masaya ka sana sa mga mali mong desisyon. I'm sorry for being such a boring boyfriend." sabi ko sabay nag-lakad na palayo.

*****

Nathan's POV

Nakakaawa talaga si Theo. Wala naman akong ibang magagawa para tulungan siya. Hindi ko na rin nakakasama si Kollyn sa studio dahil pati ako ay naapektuhan sa sitwasyon ng kaibigan ko.

I tried to call her but she's not picking it up. I thought she's busy, but I scrolled through my Instagram account and I saw a photo under Kollyn's account.

Magkasama silang dalawa ni Brian sa studio.

Sinusubukan kong hindi magselos, alam ko namang friendly photo lang 'yun. But the fact na alam kong may gusto rin si Brian sa kaniya, hindi ko talaga maiiwasan mag-overthink. Baka isipin ni Kollyn na si Brian yung laging nandyan para samahan siya.

Nagmadali na akong umalis para magpunta sa studio.

*****

"Nathan!" Kollyn ran towards me.

I drew a big smile on my face when she gave me a bear hug.

"Grabe! Muntik na akong hindi makahinga." biro ko.

"Kanina pa kami nag-sasayaw dito. Saan ka ba kasi nag-punta?" tanong ni Kollyn sa akin.

Niyaya ko siyang maupo muna.

"Nasa bahay lang ako, nagpapahinga. We're not okay these past few days." tumingin ako kay Brian.

"Huh? May sakit ka ba?" Kollyn asked me.

Umiling ako.

Tama ba'ng malaman niya 'to?

"Huwag kang magugulat." panimula ko.

I was supposed to explain some stuff to Kollyn but Brian stopped me.

"Why do you need to tell her? Wala naman siyang magagawa kapag pinaalam mo sa kaniya." tila naiinis na saad ni Brian.

Heto na naman siya sa pagiging magaling at epal. I glared at him. Sumosobra na siya.

"Guys, please sabihin ninyo na sa akin kung anong problema." ani naman ni Kollyn na kanina pa naghihintay sa aking sasabihin.

Nag-walk out si Brian at padabog na sinara ang pintuan ng dance studio.

"Pasensya ka na." sabi ko kay Kollyn.

Niyaya ko muna siyang lumabas ng studio at nagtungo kaming dalawa sa lobby upang mag-usap.

"Ano ba talaga ang nangyayari?" Kollyn asked me with her confused face.

I sighed.

"Si Theo." panimula ko, "Hindi niya sinasadya na patayin ang tatay ni Marjorie."

Tumahimik ang kapaligiran.

"No way!" Kollyn looks so surprised.

"Yes, Kollyn." ani ko.

She covered her mouth using her hand. Deserved niyang malaman 'to dahil isa rin siya sa mga kaibigan namin.

"How's Theo? Nasaan siya?" nagsimula nang mag-alala si Kollyn.

Tumango naman ako.

"Actually, he's not really fine. Pumapasok pa rin siya sa university at nilalabanan ang trauma." tugon ko.

"Poor Theo. Maybe we should do something to lessen his worries." Saad ni Kollyn.

She's right.

Dapat i-cheer up namin si Theo upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat sa kalooban niya. Hindi naman masamang ngumiti kahit may problema kang pinagdaraanan.

"Nasaan siya ngayon?" she asked me.

"Magkasama sila ni Alex." tugon ko.

Tumango naman si Kollyn at niyaya akong umalis. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta't nagmamadali siya. Buti na lang at dala ko ang aking kotse.

~

🖋 author_mj17

BATCH 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon