Chapter 1: Jade

2.2K 41 8
                                    

In all honesty, di ako marunong mag introduce ng sarili. Pero ge. Try ko for your sake. Hi, my name is Jade Fuentebella, 28 years of age. Call center agent sa gabi, Public Administration student sa umaga. Simple lang ako, mahilig magbasa, mahilig sa cartoons, at mahilig sa pogi. De, joke lang. I was never actually into politics kase feeling ko waste of time and effort plus may mga supporters pang akala mo laging sasabak sa giyera. Year 2016, bumoto ako ulit kase sabi nila mapapaso daw yung registration mo. So kahit against sa mga prinsipyo ko sa buhay, ayun. I have casted my vote to Miriam Defensor Santiago and Bongbong Marcos. Reason? Wala lang. May maiboto lang. After all, kahit sino naman maging presidente, wala namang epekto saken yun. Fast forward 2021, Bongbong Marcos declared that he will run as president this coming elections. After the said announcement, Ive got curious kung sino ba sya talaga. I mean, I know how great his dad was kase I am very fond of reading history books. Plus, mahilig akong magtanong sa mga prof ko. Kaya na enlightened ako kahit paano. Pero bakit ganun? Habang kinikilala ko tong presidentiable nato, parang tinubuan ako ng empathy. I feel sorry for the man kase 30 years na syang binabash and yet, hindi ko sya narinig na gumanti. Napakabait na tao at kita mo talagang edukado kung magsalita. Hms, I think I need to know you better pa.

Jade's POV

Aish. Umaga na naman. I need to get ready for my class. Kainis na buhay, nagtatrabaho ka sa gabi tapos mag aaral ka sa umaga. Joke lang. Ginusto ko naman to so push lang para sa future. I've checked my messenger if I have some new messages at pag minalas ka nga naman, imemessage ka pa ng ex mo! Kainis.

Message:

Alexander: kamusta ka na? Nag aaral ka pa ba? Kita naman tayo minsan. Miss na kita.

I sighed and logged off sa messenger. Walang kwenta. Di nako nagreply. How dare him? Feeling nya ba, mahal ko pa sya? After nya kong lokohin? Kung itatanong nyo kung sino sya sa buhay ko, well he's my ex. Nagtagal din kami ng 4 years until I get back to my senses. Ilang beses nya kong niloko pero since mahal ko nga, ilang beses kong binigyan ng chance. Wala eh, unlimited ako magbigay ng chance kapag mahal ko talaga. We have a kid, a 2 year old boy which is under my custody. Bakit kami naghiwalay? I found out na may pamilya sya. I know na may mga anak sya and that was fine with me. Wala namang problema kung may anak, basta walang asawa. Eh kaso mo, he had all the chance to tell me pero di nya sinabi. Buti na lang talaga magaling akong mag investigate. Bakit tumagal ng 4 years? Nakumbinsi nya kong hiwalay na sila by living with me under the same roof. Syempre, naniwala ako. Mahal ko eh. Kaya ayun.

Nalibang nakong magkwento. I opened my Gmeet to check kung nagstart na yung subject ko and yes, nagstart na sila when I entered the room. Wala namang bago, late ako. Mabuti na lang mabait yung prof ko sa subject nato. He knows naman na Im working kaya ayos lang sa kanya. Konti pa lang naman daw nadiscuss nila so kaya pang habulin. Nakinig lang ako tapos sumasagot pag tinatanong ni prof. Hindi naman ako bida bidang student. Ayos na saken pumasa hehe. Sabi nga ni Digong, okay lang maging pasang awa. Chos!

Natapos ang klase and my son woke up. Aish. Kala ko makakatulog nako after class. Tiningnan ko ang oras, 8am na. 11am pa yung next class ko so kumain muna kami ng anak kong si Zayn. Pinaliguan ko na din sya after naming mag breakfast. I texted my mom na kunin muna ang anak ko so I can take a nap before class. She agreed naman kaya umidlip nako.

After 2 and a half hours of sleep, nagising ako. Oo, may sarili akong body clock, wag na kayong magtaka. Umattend lang ako ng class online while having coffee. Inaantok nako ulit when my messenger popped out. It was from Ge, one of my friends.

Gerald L: beh, alam mo na yung balita?
Jade: uy. Hehe. Hindi. Anu yun?
Gerald L: magkakaroon daw ng grand rally sila BBM dito satin. G ka?
Jade: naku. Im not sure. Alam mo naman sched ko diba? Plus, wala akong tshirt. Hahaha
Gerald L: March 22 pa naman. Makakapag ready ka pa.

He forwarded a photo of a BBM shirt.

Gerald L: oh. Yours na yan.
Jade: thank you Ge. Pero di pako sure. Check ko sched ko ah?
Gerald L: sige beh. Let me know. Pupunta ako eh hahaha. Gusto ko makita si BBM❤️
Jade: okie. Sige, chat ako agad😊
Gerald L: 👍

Ive checked the calendar. Uy, Tuesday. Sakto. Rest day ko yun. Pwede naman akong mag online class siguro habang nasa rally diba? Mag mute na lang ako ng mic. Hahahaha.

I was in the middle of the class nung inantok nako ng tuluyan at nakatulog na. Pupunta ba ako? Hms. Bahala na lang siguro.

-----------------------------------------------------------

Author's Note:

Hey, hi! First fan fic ko nga pala. Hope you guys enjoy. I will try my very best na mabigyan ng justice yung pagnanasa este yung story nato😊

Fell in Love with the PresidentWhere stories live. Discover now