Chapter 22

553 22 3
                                    

AN's Note: so I was challenged na wag bigyan ng POV yung lovebirds sa chapter nato. Let's see kung kaya ko🤣

Charlotte's POV (ate ni Jade, kung nakakalimutan nyo)

Nakakailang chapter natong author nato pero ngayon lang ako binigyan ng POV. Inuna pa yung mga anak ng BBM na yan. Favoritism yarn?

(Pasalamat ka nga, naalala pa kitang isali eh. Angal angal ka pa, last POV mo nato -- author)

Edi wag. Kawalan ka ba? Charot lang Ms. Author✌️ sana gumanda ka pa lalo, yung kasingganda ko sana para sumaya ka naman at magkajowa. Hahahaha!

(Eh kung patayin kita sa story ko nato? Ipa hit and run kita? Ganern! -- author)

M-ms. Author naman, wag ganun! Sino na mambubully sa kapatid ko?

Enough of the segway. Masyado nang dumadami exposure ni author.

Andito ako ngayon sa bahay ng parents ko. Masyado kasi akong nag aalala dun sa kapatid ko pagtapos kong mabasa lahat ng balita tungkol sa kanya. Im her only sis, kung may higit na nakakakilala sa kanya, ako yun. Kami ng family ko.

Marami nang hirap na napagdaanan yun. Kaya nga nung naging sila ng BBM na yan eh, hindi nako tumutol. Masaya naman ang kapatid ko, and that's what matters the most.

Inaantay ko lang yung kapatid kong emotional wreck na kamukha ni Spongebob while playing with my nephew. Namiss ko tuloy anak ko.

I have a 15-year old son. Kung itatanong nyo kung asan, andun sa Japan. Nag aaral ng high school. Dun pinadala ng papa nya kasi daw madidisiplina ng maayos and I can see na tama naman sya kaya di nako kumontra sa asawa ko.

I was just 15 years old when I got pregnant pero hindi naging dahilan yun para wag akong maka graduate, sila mom ang nag alaga sa anak ko habang nag aaral kami ng asawa ko. And with God's grace, naka graduate kami parehas. And got married eventually. My husband is an engineer if you're going to ask me.

Ang tagal naman ng kapatid ko. Madami dami nakong naikwento pero wala pa din sya. Ano na Bong? Pauwiin mo na yang bunso namin at namimiss ko na yan ibully with so much love!

After 20 years, dumating na din ang kapatid ko. Namumugto pa din ang mata. Kaya ayaw kong naiyak yan eh. Ang tagal gumaling ng mga mata nyan. Naku talaga! Malilintikan talaga saken yung mga reporter na nagpapakalat ng malicious articles about my sister!

'kanina ka pa?' Jade

'hindi naman. Mga 20 years palang. Akala ko nga after 50 years pa bago ka dumating eh. Bakit ngayon ka lang?' tanong ko

'ah. May pinuntahan kami ni Bonget. What's up? What brings you here? Makikikain ka no? Wala ka na pagkain sa inyo? Yuck. PG!' asar nya saken

'forget that. Kain muna tayo. Bumili ako nung favorite mong pizza' I told her saka sya inakbayan which is hindi ko na dapat ginawa mas matangkad saken to eh. 5'0 lang ako. Bakit ba mas matatangkad ang mga bunso kesa sa ate? Ang unfair ha?

She smiled widely upon hearing na nagdala ako nung fave nyang pizza. Isa yun sa mga nagpapasaya jan kapag down na down sya eh. Matakaw kaya yan.

We reached the dining area and kumain na kami. Ayaw ni dad ng pizza kaya nagluto sya ng pagkain nya. Napakaarte kala mo naman talaga.

'san kayo nagpunta ng fiance mo? Bakit ginabi ka? Kanina pako ditong  umaga ah' tanong ko sa kanya

She swallowed her food saka ako sinagot

'haler. May kalayuan kaya yung Ayala dito sa Cavite. Alam mo naman na traffic lagi sa EDSA'

'eh bakit ikaw lang? Asan ung fiance mo? Dika hinatid?'

Fell in Love with the PresidentWhere stories live. Discover now