Chapter 25

515 24 7
                                    

Jade's POV

I woke up the next morning na sobrang sakit ng ulo ko. Inadjust ko muna yung paningin ko at inikot ang paningin ko. Wait..? Nasa bahay nako? Paano?

I fixed my hair into messy bun. Naka tshirt na malaki na din ako at shorts na maiksi tapos lumabas nako ng kwarto para magkape.

'bunso, goodmorning. Sabi ng dad mo, lasing na lasing ka daw last night, san ka nag inom?' that's my mom

'ling I told you, nag get together sila ng office mates nya diba?' papa

'oh right. Maupo ka na at magkape. Kumain ka na din. Magshower ka after para matanggal hang over mo' sunod sunod na utos ni mom

Tumango lang ako at hindi kumibo. I kissed my son goodmorning at umupo na para kumain. Ipinagtimpla naman ako ni mom ng coffee.

Nag iisip pa din ako. I even checked my phone to see if nag message na si Bonget, pero wala pa din. Imemessage ko na lang after kong maligo.

Nagshower lang ako tapos nagbihis. Restday ko ngayon. Pupunta ba ako sa kanila? Eh wala pa ngang paramdam.

Iniisip ko din yung nakita ko kahapon. Kaya lumabas ako ng bahay at bumili ng yosi. Mula pala nung dumating si Bonget sa buhay ko, di nako nanigarilyo.

Nagtuloy ako sa garden. Iniisip ko pa din sya at yung mga pakikitungo nya saken lately. Ang hirap ng ganito. Para akong naglalaro ng Sudoku kase wala akong idea kung anong gagawin ko.

Nagdecide akong tawagan sya. Sana naman sagutin nya na this time. I need answers no. Pero diko sya aawayin. Isasantabi ko muna ung ego ko. Ganun naman talaga pag nagmahal diba?

After several messages and trials na makausap sya, sinagot nya din ako sa wakas.

'love! Goodmorning! I missed you so much. How are you? Nagtatampo nako ah?' sabi ko sa kanya

'goodmorning din. Im good as you can see. Busy lang ako lately.' sabi nya

Tangina talaga. Ang cold pa din ng pakikitungo pero di ako susuko.

'saan ka? Date naman tayo. Miss na talaga kita' pag aaya ko sa kanya.

'Im sorry Jade but I cant. Marami akong gagawin sa HQ ngayon. Wala ka bang gagawin? How about exams?'

A-ano? Anong tinawag nya saken? This time alam kong may problema na talaga.

'In case you forgot, its our academic break and classes wont start until June. Kung wala kang panahon saken, that's fine. Mag message ka na lang pag dika na busy' then I ended the call

Nagsindi ako ng sigarilyo habang nag iisip. Ano na bang nangyayari sa relasyon namin? Bakit pakiramdam ko iniiwasan nya nako?

Maya maya pumasok nako sa loob ng bahay. Nakita ko naman yung anak kong nakatulog sa sofa habang nagpeplay pa din ang Cocomelon sa TV.

I changed the channel and I was shocked to see the news. Pati sila mama napapunta sa sala upon hearing that.

'BONGBONG MARCOS CALLS OFF ENGAGEMENT WITH HIS FIANCEE'

Ano? Hindi na kami engaged? Kaya ba iniiwasan nya ako? Hahahaha. Kausap ko sya kanina ah? Bakit di nya sinabing hiwalay na kami?

'Putangina! Asan na yang lalaking yan?!' my dad said furiously

Hindi ako makasagot. Para akong estatwa na hindi makakilos sa pwesto ko. Unti unti na ding nalalaglag ang mga luha sa mga mata ko.

Ayan ba? Ayan ba yung sinasabi nya na mahal nya daw ako? Ha? Hakdog na lang talaga sayo Bonget.

Fell in Love with the PresidentWhere stories live. Discover now