Chapter 26

510 22 7
                                    

Jade's POV

Andito lang ako sa bahay. Hindi na din ako masyadong umiiyak. Para saan pa? Di naman maibabalik ng pag iyak ko lahat ng nangyari.

My family and I are just sitting here in the living room. Mom and Zayn are watching TV, while my dad's busy talking to tita Myrna.

Masyado ba akong nabigla sa decision ko? Haist, ayun lang naiisip kong paraan para iligtas ang sarili ko eh. Pag umalis ako dito sa Pinas, paniguradong makakalimot ako.

'so kuya, kelan susunod yang si Jade dito? Miss na miss ko na yang bunso ko na yan. Sabihin mo wag magmukmok, ipapakilala ko kamo sya sa One Direction, hahahaha!'

Natawa naman ako upon hearing that. Si tita Myrna talaga, palabiro pa din.

'susunod ang anak ko jan para mag aral at magtrabaho, hindi para lumandi. Umayos ka, Myrna. Ipagkakatiwala ko sayo tong bunso ko'

'si kuya naman, hindi na mabiro. Ang saken lang, kung gusto nya lang naman maka move on agad.. hahaha!'

Ngumiti na lang ako saka kinuha yung laptop. I need to find a good university para maipagpatuloy ko pag aaral ko dun. Sayang kasi, 3rd year nako eh.

I browsed the internet and looked for a school. Puta, ang mamahal. Ano ibabayad ko dito? Kidney ko? Subukan ko na lang sigurong mag apply ng scholarship.

University of Cambridge, University of Nottigham and Oxford are my choices. Taas no? Alam kong imposible pero wala namang masamang sumubok.

Nag apply ako for scholarship. Nag exam ako. Lord, hindi mo na binigay saken si Bonget. Eto na lang po. Hayaan nyo nakong makapasa!

Sinara ko ang laptop ko and talked to tita Myrna.

'bunsoy, dito ka saken titira. Your tito Charles and I talked na. We will just wait for you. Asikasuhin mo na lahat bunsoy ah? Imissyou!'

I smiled upon hearing my tito Charles. Asawa ni tita Myrna yun. British national, napakabait, may magandang position sa buhay, and he loves my tita Myrna so damn much. Naaalala ko pa nung araw na kinuha nya ang tita dito, napapa sana all na talaga ako. Favorite din ako nun eh. Hahahaha

'tita, isnt it too much? Ikaw na nga magsponsor sa pagpunta ko jan tapos sa inyo pako titira? Nakakahiya sa inyo ni tito' sabi ko

'ano ka ba? Mas mabuti na yun noh. And your cousin was very happy upon hearing the news na dito ka titira samin. Matitiis mo ba si Lyndon?'

Natawa ako. Inaaway ko yan si Lyndon dati eh. Palibhasa, malaki age gap namin kaya binubully ko. Kamusta na kaya yung isang yun?

'ay naku, tita. Sige na nga, jan nako sayo titira. Nag apply nako ng scholarship. Pag may update na, Ill let you know. Marami pakong aasikasuhin sa office at school'

'oh sige sige. I'll go ahead na bunsoy. Cant wait to see you. Mag iingat kayong lahat ah? Iloveyou'

We ended the call and nag type in nako ng email ko sa office. Immediate resignation na yung inapplyan ko. Ayoko nang magpakita dun kasi alam kong pag uusapan lang ako. Kelangan ko umiwas sa mga issue.

After sending an email to the office, Ive spoken to my dean to let him know na hindi na ako mag eenroll for 4th year. Nagulat naman sya. Ayaw nga akong payagan mag drop eh. Sayang daw. Pero sinabi kong aalis nako ng Pinas at nagtry akong mag apply ng scholarship sa London. Kaya ayun, napapayag ko din.

Tiningnan ko ang anak ko. Walang kamalay malay na iiwan ko na sya. Naiiyak tuloy ako. Pero pinangako ko sa sarili kong pag nakagrad nako, kukunin ko sya at sa London na kami titira. Dun ko na sya palalakihin.

Fell in Love with the PresidentWhere stories live. Discover now