Chapter 3

838 22 1
                                    

Jade's POV

Nagising ako sa ingay ng TV and there I saw my mom and my baby watching cocomelon on youtube. Aish, mukhang pati mama ko naadik na sa cocomelon hahaha

I looked at my phone to check the time. 4:30 PM. 7pm yung shift ko so Ive decided to get up na.

I kissed my baby and mom asked me na kumain na since papa cooked an adobo for dinner. I just nodded kahit wala akong balak kumain. Sa office na lang siguro.

I went to the kitchen para magtimpla ng kape. While having my coffee, nagbabrowse ako ng Tiktak and there I saw some spliced videos of BBM. Haist. Election na nga. Black propaganda here, there and everywhere na eh.

After kong magkape, naligo nako. Nagtoothbrush na din para isahang kilos na lang. After that, pumili nako ng isusuot. Good thing about working sa BPO industry, di mo na kelangan ng uniform. As long as mukha kang disente, okay na yun.

Ive chose to wear denim pants, white shirt panloob and denim jacket. Trip kong mag denim ngayon, so there. Sinuot ko na din sapatos ko. Checked my watch and Ive seen na 6:10 na. Ambilis ng oras, shet. Ive just sprayed my fave fragrance which is Lacoste black. Ang bango talaga nito. Lakas maka fresh haha

Lumabas nako ng kwarto and kissed my baby goodbye. My baby just giggled and waved me goodbye. Ganyan naman yan pag nakaharap na sa TV. Wala lang sa kanya pag aalis nako. Try mo patayan ng TV yan at hahabulin ako nyan hahaha

Naglalakad ako palabas ng subdivision namin when Ive heard a familiar beep beep sound. Lumingon ako at hindi ako nagkamali. Yung ex kong 2nd cousin ni Satanas, nakasunod saken

'Tara na, hatid na kita' he said

'Thanks but no thanks. Kaya kong pumasok mag isa at may pamasahe ako' nakasimangot kong sinabi 'mamaya, isumbat mo pa saken yan' bulong ko pa

'ano? Sige na. Para makatipid ka.' he said

Diko na lang sya pinansin at pumara ng trike. Bahala sya sa buhay nya. Akala siguro ng siraulong yan, madadala nya ko sa pahatid hatid na yan. Well, nagkakamali sya. Ayoko nang mauto no. Dahil sa lintik na hatid hatid na yan, nadisgrasya ako eh. Kaya di bale na.

Bumaba nako ng trike at nagbayad. Sakto pagbaba ko, may cab papuntang Molino so I hopped in. Habang nasa biyahe, inopen ko wattpad ko and started to read a story. Fell in love with the President? Hms, bago to ah. Basahin ko nga. In fairness ang ganda ha? Ang galing naman ni JDBear6 hahaha

Buti swabe lang ang byahe ngayon. 6:50 nung nakarating ako ng office so Ive started to set up my tools. Ang dami ko pang cases na kelangang isara.

If you're going to ask me the nature of my work, here it goes. Im working as a customer associate crew in one of the most prominent retail accounts sa US. Im not really taking calls kase sending emails ang papel ko dito. For example, the client wants to order something from us, rereplyan ko lang yun. Ever heard of Amazon? Parang ganun. Kung di pa rin gets, Lazada na lang hehe. Tumatawag lang ako sa clients kapag may private things na dapat idiscuss. So there.

Lunch break came and I went to my locker para kunin yung books ko. Haist. Mid term na pala. Exam na naman kami. Nagrereview ako habang kumakain pero feeling ko walang pumapasok sa utak kong gamunggo. Charot. Eto mahirap sa Public Ad eh. Para kang nag aaral ng law sa dami ng republic acts na kelangan mong kabisaduhin.

Natapos na yung lunch break ko, so I went back to my station para ipagpatuloy ang trabaho ko. Inaantok nako. Pagtingin ko ng oras, 1am na pala. Uy, 3 hours na lang at uuwi na naman ako. Konting tiis na lang self.

Bong's POV

Nagising ako and looked for my wife, pero diko sya nakita. Parang kinakabahan ako ah. She better not be cooking! Jusko. Hindi nga marunong magprito ng itlog yun.

Naghilamos ako and brushed my teeth. Bumaba na din ako and lo and behold. My lovely wife, wearing an apron while facing the stove. Pasayaw sayaw pa habang hawak yung sandok.

'Good morning hon. What are you making?' I asked while putting some coffee on my cup.

'Cooking breakfast for you?' clueless nyang sagot.

Lumapit ako kasi parang may naaamoy akong sunog. At ayun na nga. Nasusunog na yung pancakes! Pinatay ko na yung stove and faced her

'hon naman eh. Sana inutos mo na lang tong pagluluto. O kaya ginising moko. Pano ko kakainin to?' mangiyak ngiyak kong sabi. Nagugutom nako eh

'nakuuuu. Dont be deceived by those packaging hon. Edited lang yan kaya mukhang maganda at masarap. Etong niluto ko, this is the real deal!' sabi nya pa

I just tsk-ed and asked her na kumain na lang kami sa labas. Nakasimangot pa nga habang paakyat para magpalit ng damit haha. Sorry, hon. Mahal kita pero diko kayang kumain ng nagtututong na pancakes and bacon. Hahahahaha

Bumaba na si Liza and we went sa pinakamalapit na pancake house. Im starving na talaga. As for Vinny, baka tulog pa yun at si Simon. Mga tulog mantika yung mga anak ko na yun. Marunong naman silang magluto kaya di sila magugutom. Nasanay sila magluto nung nasa boarding school palang sila sa UK. Sa mga anak ko, si Vinny ang nakamana ng skills ko sa kitchen.

Natapos na kaming kumain and Liza told me na she wants to go to Irene's. I just smiled kase alam kong magchichismisan na naman tong mga to.

'Wait hon. Wala ka bang turo ngayon?' I asked my wife. Bukod kase sa pagiging lawyer, she's a professor too.

'Wala hon. Nagpa sub muna ako. Irene has been calling me non stop. Punta daw ako sa kanila ngayon dahil namimiss nya nako.' she said

'okay hon. Call me na lang if pauwi ka na para masundo kita, okay? And please, wag masyadong magchismisan baka mamaya, magkwentuhan na naman kayo about sa past ko tapos uuwi ka na namang galit saken hahaha' I said.

One time kasi, nung galing sya kina Irene, nagkwentuhan sila about my past girlfriends. Diko alam kung paanong kwento ba ginawa ni Irene at nagalit saken tong asawa ko pag uwi. Mga babae nga naman.

'Di na mauulit yun hon. After all, ako naman ang nagwagi sa kanila, so you dont have to think na' she answered

Nakarating na kami sa bahay ni Irene. I kissed my wife goodbye at bago sya bumaba:

'Take care of yourself, hon. Mahal na mahal ko kayo ng mga bata. Iloveyou' and kissed me sa lips.

Bakit parang may kakaiba akong naramdaman?

-----------------------------------------------------------

Ayan na ang chapter 3 mga mars❤️

Fell in Love with the PresidentWhere stories live. Discover now