Chapter 24

536 22 13
                                    

Jade's POV

*AFTER 3 WEEKS... ANG BILIS NO? KASING BILIS NG PAGPALIT NYA SAYO? CHAROT*

Its been 3 weeks since we received those threats. Pati ako, nakakareceived na sa email ko, sa FB, sa phone number ko and even sa IG ko! Napaka consistent naman nitong taong to.

Andito ako ngayon sa office. Nakausap ko na din ang mga boss ko. Nagulat pa nga kami nung pumunta yang Bonget na yan dito sa opisina. Hiyang hiya ako nun kasi inasar ako ng husto ng mga office mates ko. Inuto pa nga nila si Bonget na ito daw iboboto nila on May 9.

Teka, speaking of which, next week na pala yung May 9 no? Ive checked the calendar, it'll be on Monday. Aish. Pano ako boboto? May pasok kami nun. Mapupuyat na naman ako, aish.

Tumingin saken ang mga bodyguards na kinuha ni Bonget para sakin. Medyo nasasanay nako sa presence nila. Tinawag ko naman yung isa at sinabing malapit nakong mag lunch break.

Lunch break came at sumunod saken yung lima kong bodyguards. Take note, lima. Ganun ka OA si Bonget sa pagbibigay ng security. Dito kami nagtalo.

Flashback:

'love, sila nga pala magiging bodyguards mo' Bonget called my attention

Andito kami sa bahay nila. Ive spent my rest day here. Kasama ko ang anak ko. Tuwang tuwa sila Vinny kasi makakalaro daw nila si Zayn. Dun sa kwarto ni Vinny sya natulog.

Tiningnan ko yung sinasabi nyang 'bodyguards'. Teka, bakit parang ang dami yata? Binilang ko and nasa 15 sila! What the... Ano ako? Celebrity? Diko kailangan ng maraming magbabantay saken! Ano ba tong lalaking to?!

'what is the meaning of this?! Bakit ganyan kadami? Alam mo namang di ako sanay na ganyan kadami nakapaligid sakin eh! Ayoko nga ng maraming tao, tapos 15 bodyguards? Are you out of your mind?!'

'its for your own safety. Trust me. Ayokong mapahamak ka love, makakampante ako ng husto pag alam kong marami kang kasama lagi' he sai

'Pag yan di mo binawasan, malilintikan ka saken. Ang OA mo. Di naman ako batang paslit para bantayan ng ganyang karami. Bawasan mo yan Bonget, sinasabi ko sayo!'

'No.' sabi nya saken

'Pag yan dimo binawasan, dika na makakatabi saken matulog!'

Napatingin sya saken ng masama. Feeling ko konti na lang papayag nato. Konting push pa.

'still no.' sagot nya

Aba't..? Ano? Makikipagpilitan talaga sya saken? Nagtry ako ng ibang way para mapapayag tong lalaking to.

'love..' I called him on my sweetest voice

Tiningnan nya lang ako. And shook his head. Ano ba yan! Ayoko talaga ng ganyang kadami na susunod sa akin lagi! Pumayag lang naman ako jan dahil madadamay pamilya ko. Kung ako lang naman ang pinag uusapan, di ako matatakot eh.

Inirapan ko sya. Aha! Sa pagkakataong to, papayag na yan. Hahahahaha!

'Zayn anak? Lets go home! Uwi na tayo. Babye ka na kay kuya Vinny' tawag ko sa kanya

'what the hell?! No, you're not going home. Gabi na oh!' reklamo nya

Diko sya pinansin at kinuha ko anak ko. Maya maya naman naramdaman kong nakasunod sya samin.

Fell in Love with the PresidentWhere stories live. Discover now