Chapter 11

992 26 0
                                    

Jade's POV

Dinala ako ni pops dito sa bahay nila sa San Juan. Bakit walang tao? Ang lalayo pa ng bahay sa isa't isa. Diba sila bati? K. Korneeeh. Bumaba na kami ng sasakyan.

Pinagbuksan nya lang ako ng pinto at pumasok na kami sa loob. In fairness sa bahay, ang ganda ah? Nakita ko din yung portrait ng family nya. Ang ganda talaga ni Ms. Imelda. Parang miss Universe eh. Syempre di rin nagpahuli yung asawa. Ang pogi din ni PFEM. Kahawig nya si Bonget pero mas lamang yung mukha ni Mam Imelda sa kanya.

'Dito ako nagpupunta pag kelangan ko mag isip. Wala sila mama Meldy dito kasi nasa Ilocos sila. Wala na din yung mga maids. Andun na sila kay Irene'

'anung gagawin natin dito? Eh hindi ko naman kelangan mag isip? Ikaw na lang mag isip dito.' sabi ko sa kanya

'hahaha ano ka ba. Andito na tayo eh. Might as well enjoy na lang. Are you hungry?' tanong nya

Umoo na lang ako kase naalala kong kape nga lang pala yung inalmusal ko. Tanghali na din pala. Kumakalam na din sikmura ko.

Natawa si BBM nung narinig nyang kumalam sikmura ko. Sorry naman. Gutom na talaga ako.

'Magpadeliver muna tayo kasi parang gutom ka na talaga. Ipagluluto kita later' sabi ni Bonget

'okay. Let me know kung magkano yung bill para mapaghatian natin okay? And please, fastfood lang ah? Yun lang kaya ng pera ko. I dont want anything expensive' sagot ko sa kanya

Nagpa deliver na lang kami ng pizza. Yellow cab ang pinakamalapit kaya ayun na lang. I was about to give my share when he told me na bayad na daw. Ha? Pano?

'Kung nagtataka ka, pina charge ko na sa credit card namin. You see, matagal na kami dito sa San Juan kaya kilala na kami ng mga kalapit na resto dito.'

'Okay. How much was the bill?' tanong ko while having a bite sa pizza ko. Ugh sarap talaga ng Yellow Cab😍

'Secret. Kumain ka na lang jan. Chaka you're my guest. This one's on me. Nililigawan kita so tama lang na gastusan kita😉' he said

Nabulunan ako sa sinabi nya. Ano daw? Nililigawan? Kelan pa? Eh para nga akong nakidnap sa ginawa nya 🤦

Natawa naman sya at nagsalin ng coke sa baso. Diko na lang sya pinansin at uminom ako.

Sa sobrang gutom ko, naka ilang slice din ako. Mga lima siguro hahaha. Nagulat ako kasi mas marami pa yata akong nakain sa kanya. Sorry na po. Gutom na talaga ako.

'Im just wondering, where are you taking all the food that you ate? For a woman, you have a serious appetite.' Bonget said while drinking his coke.

So ano palang ibig sabihin nya jan sa sinabi nyang yan? Na matakaw ako? Eh bakit nya ko nagustuhan kung matakaw ako, aber? Inenglish pa talaga para di masyadong nakaka offend eh no? Tama nga sila. Matalino nga ang isang to.

'First of, I dont know where are they going. Iisipin ko pa ba yun eh hirap na hirap nga ako sa biology class ko before? Second, Im not matakaw. It just so happened na gutom nako and kape lang inalmusal ko. Lastly, kung matakaw ako, bakit di tayo magshare sa bill para mabayaran ko naman yung share ko?' naiinis kong tanong sa kanya. Nakaka offend ah.

He just chuckled. Habang nakangiti sya, nakatingin lang ako. Ang gwapo pala talaga nito. Mas pogi pa sya sa mga anak nya kung ako tatanungin.

Napansin nya yata na nakatingin ako sa kanya, so he stopped laughing. Nakipagtitigan lang sya saken. Yung nga tingin nya na tumatagos sa kaluluwa.

Ako na nagbawi ng tingin kasi hindi ko sya kinakaya at never pakong nanalo sa staring contest. Charot.

'Saan yung restroom nyo dito? Pwedeng makiligo? Nanlalagkit nako sa suot ko.' pagbasag ko sa katahimikan.

Fell in Love with the PresidentWhere stories live. Discover now