Chapter 4

747 26 3
                                    

Jade's POV

4am na kaya nagsimula nakong mag log off ng PC. Uuwi na din ako. Sa byahe na siguro ako iidlip para marefresh ang utak ko bago ang klase ko sa umaga. 7am pa naman un kaya may time pa.

Pumunta nako sa terminal ng mga cab at sumakay na. Inaantok nako talaga. Nagbrowse lang ako konti and nilagay ko na yung phone ko sa bag. I took out my bluetooth headset at pumili ng soundtrip sa phone. Nakatulog nako.

After an hour, may kumakalabit na saken.

'ate, ate. Dito napo kayo bababa diba?' kuya driver said.

Tinanggal ko salamin ko at nagpungas pungas ng mata. Andito nako agad sa gate ng subdivision namin? Bilis ah.

Bumaba na lang ako at pumara ng trike papasok. Pagdating sa bahay, nakita ko parents kong nagkakape.

'magkape ka na at mag almusal. Yung anak mo, tulog pa. Mamaya pa gising nyan. Napuyat yan kakanood ng TV.' mama said

'lah. Bakit nyo naman hinayaang magpuyat?' I said habang naghuhubad ng sapatos.

'ay naku. Napakakulit na nyang anak mo. di nga ako makapanood ng FPJ dahil jan' papa said

Natawa na lang ako. Kahit kelan talaga, die hard fan to ni FPJ eh. Wala namang magawa pag nanood na apo nya. I feel you pa. Sabay sabay na lang siguro tayong maumay sa five little ducks at baby shark hahaha

Pumunta nako sa kwarto para magpalit ng damit. Nagshorts na lang ako tapos sando. I saw my son sleeping so I kissed him sa cheeks. Akala ko magigising eh. Buti naman hindi or else, magwawala yan. Ayan ang namana nya sa magaling nyang ama. Nagagalit pag nauudlot ang tulog.

Lumabas nako ng kwarto at nagtimpla ng kape. Nagrereview ako ulit kase ngayon ang exam ko for Pol-Sci. Aish. Sana may pumasok sa utak ko hahaha. Major namin to so I cant afford na bumagsak.

I checked the time sa phone ko. 6:30 am na. Kumain lang ako ng pandesal at naghihintay ng link for our class. Di nagtagal eh nagsimula na din ang klase namin. Nagulat si prof kasi ang aga ko daw. Nagbabago na daw yata ako. Charot.

Puro pala ako kwento since chapter 1 pero nakalimutan kong sabihin kung anong year nako. Hahaha. Well, Im a 3rd year student na. Nagshift lang ako ng course because I was taking Criminology before. Nagkaron ako ng failing grades sa martial arts. Reason? Di ako nakaka attend ng trainings. Bakit? Si Alex ang may kasalanan. Kaya ayun. No choice. Nagshift tuloy ako. Graduate na dapat ako kung di ako nagpakatanga sa lalaking yun.

Nagdidiscuss lang si prof sa GMeet kaya nakikinig lang ako. Nagtetake down notes. While I was in the middle of the class, Zayn woke up.

'mama!' he happily exclaimed. Mukhang maganda ganda gising ng anak ko ah

'Bibi! Kamusta buong magdamag mo? Nagpasaway ka ba kila lola mo?' pagkausap ko sa kanya. Oo, kinakausap ko na ng buo para hindi mabulol.

'Am am am' he said meaning gutom na. Hinandaan ko lang sya ng pagkain at nagpatuloy ako sa klase.

Natapos ang klase namin at nakaramdam na naman ako ng antok. Ang hirap maging working student tapos ganito pa schedule mo. Paudlot udlot na tulog, ang sakit sa ulo mga bhie. Pero konting tiis na lang. Pasasaan ba at makakagrad din ako.

Tiningnan ko ang anak ko kung tapos na ba syang kumain when my phone rang. Tiningnan ko ito and its my sister. Ano na naman kayang problema nito?

'hoy. Pumunta ka dito sa bahay. Mamalengke ka tapos magluto ka ng tanghalian' she said on the other line

'ate naman eh! Matutulog pa kaya ako. Makisuyo ka muna kay papa. Kakatapos lang ng klase ko oh!' nakasimangot kong sagot. Eh sa inaantok nako eh. Pagod pa.

Fell in Love with the PresidentWhere stories live. Discover now